Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, napagod na kay Jake

ni Roldan Castro

022715 bea jake

NADULAS si Bea Binene na may third party involved sa paghihiwalay nila ni Jake Vargas nang tanungin kung bati na sila? Very vocal na siya sa tunay ng estado ng relasyon nila nang makatsikahan siya sa launching ng bagong ini-endorse na Verifit Slimming Capsule na ginanap sa Tweedle Book Café sa Sct. Gandia, QC.

Aminado si Bea na napagod siya kay Jake at paulit-ulit na lang.

Tinanong din kung isang young actress ang dahilan pero non-showbiz daw ito at nasa malayong lugar. Ayaw nang idetalye ni Bea kung paano niya nabuking.

”Siguro roon na lang kami sa ini-enjoy ang sari-sariling buhay,” deklara niya.

“I’m starting to enjoy life and nagagawa ko ‘yung gusto ko, ganoon,” dagdag pa niya.

Na-hurt ba siya?

“Siguro lahat naman, ‘di ba? Pero kailangan mo lang i-accept, eh at ‘pag may nagsara, may nagbubukas na bintana, may nagbubukas na bubong,” aniya pa sabay tawa.

Hi and hello na lang daw ‘pag nagkikita sila. Hindi rin niya alam kung willing pa siyang makatrabaho si Jake pero nasa desisyon daw ng management ‘yan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …