Thursday , December 26 2024

Sen. Bong ‘Eskapo’ Revilla, bokya na humihirit pa!?

00 Bulabugin jerry yap jsyTALAGANG ang kasinungalingan ay katambal ng pagnanakaw.

Gaya na lang nitong nakaraang insidente na inirereklamo ng Ombudsman Office of the Special Prosecutor na “serious violation of the court’s order” sa bahagi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.    

Si Senator Bong ay nahaharap sa kasong pandarambong at kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center Camp Crame.

Nakapuslit daw kasi si Senator Bong at nakuhaan pa ng retrato na siya ay dumalaw kay Senator Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital na nagdiriwang noon ng kanyang kaarawan.

Nakuhaan na ng retrato, pero tigas pa rin ang tanggi ni Senator Bong.

Ikinatuwiran pa na kaya siya naroroon sa ospital ay dahil sa kanyang iniindang sakit — cold sweats, stiffness and pain on the back and neck as well as debilitating migraine.

Pwe!!!

Sumakit lang ang ulo at likod nagpaospital na agad?

E ‘yung sambayanan na ‘ninakawan’ ninyo ng pork barrel hindi nga makakita ng ospital kahit grabe na ang karamdaman.

Tsk tsk tsk…

Malakas din ang loob ni Senator Bong nang sabihin niyang malis-yoso, walang basehan at pawang kasinungalingan umano ang paratang sa kanya ng prosekusyon.

‘E sa totoo lang, dapat nga idetine na kayo sa regular jail. Kunwari lang na hindi kayo VIP d’yan pero ang daming nagli-leak na INFO na pati ang mga “bravo” at “goma” ninyo ‘e nakapapasok d’yan?!

Doon na kayo dapat dalhin sa Camp Bagong Diwa. Nagnakaw na ng pondo ng bayan, ang sarap pa ng buhay?!

What the fact!?

DOJ sinupalpal ulit si Mison

SUPALPAL to the maximum level ang tinanggap ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Siegfred ‘serious dishonesty’ Mison matapos i-DENY ng Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng ipinalabas na Department Circular No. 001 dated 5 January 2015, ang kanyang ini-request na reconsideration sa naunang lumabas na DOJ Circular No. 27 noong 2014 na humihingi siya ng: (1) For BI to be given exclusive authority to file or initiate administrative cases against Bi employees, conduct preliminary and formal investigation; (2) To include a provision that final and executor decisions rendered prior to DOJ Department Order No. 27 are likewise ratified and recognized as Operative Facts.

Nakita n’yo naman kung gaano ang pagpupumilit ni Comm. Mison na talagang makasuhan niya ang mga empleyado ng Bureau.

Naalala ko pa noong kauupo pa lang sa puwesto sa Immigration nitong si Miswa ‘este Mison, ating natatandaan na nagkaroon siya ng isang heart to heart ek-ek talk sa mga Immigration Officers ng BI-NAIA at sinasabi niya na ang plano niya para sa lahat ng empleyado ay maging isang ama.  At bilang isang ama (etchos!?) ay wala raw siyang hinangad kundi ang mapabuti at mapagaan ang kalagayan ng kanyang mga anak?!

Anak ng tupa! Hanep!

Showbiz na showbiz ang arrive ni lolo ah!?

So nasaan na ngayon ang sinasabi niyang siya ay magiging ‘ama’ sa kanyang mga anak at upang mapagaan ang kanilang buhay?

Orocan ka ba o Tupperware Mr. Mison!?

‘E ayan na ang maliwanag na pruweba!

Lumabas na ang sagot. Nag-file ka pa pala ng Reconsideration sa DOJ Circular No. 27.

Ang DAAN PARA PAGSISIBAKIN MO ANG MAKURSUNADAHAN MO DIYAN SA BUREAU!?

Ang plastik ‘di ba!?

Dating daan sa EDSA sanhi ng trapik

KA JERRY, pakipanawagan lang sa mga awtoridad bakit ‘yan harap ng dating daan sa EDSA ang daming nakaparadang sasakyan. Kaya matrapik sa lugar na yan. Hindi nman hinuhuli ng MMDA at pulis. +639183770 – – – –

Libreng sakay para sa OFWs sa NAIA Terminal 1 drawing din?!

@ t-1 kunwari libre ‘yun service. ‘Yun pla sisingIlin dn nla ng 300pesos un pobreng OFW pagkuha ng tiket sa travel agency sa NAIA T1, ang siste pa e hindi nla pasasakayin sa shuttle bus hangga’t wala pang domestic ticket kaya napipilitang kumuha sa MELPOPS ticketing office. Anong ginagawa ng mga APD at PNP dyan sa terminal 1? #+63907997 – – – –

PNoy dapat magpakita ng sinseridad sa mga huling araw ng panunungkulan

PANAWAGAN ko lang kay Pangulong Noynoy Aquino na sana po sa inyong nalalabing isang taon at limang buwan sa pamamahala ng ating bansa ay inyong ipakita ang tunay na sinseridad sa pagbibigay ng pantay-pantay na serbisyo sa inyong mga BOSS na nagluklok sa inyo bilang pinakamataas na lider ng ating bansa. Alisin na ang poot at galit sa mga nakaraang administrasyon para maisakatuparan ang inyong adhikain at makamit na ng ating bansa ang pag-unlad na inaasam ng bawat isang Pilipino. Kung magkakaisa ang bawat lider sa buong bansa ay siguradong makakamit ang tunay na inaasam na pagyabong ng bansang Pilipinas. – Concerned Citizen #+639323007 – – – –

Saltong-PNoy

MULA nang maging pangulo si PNoy puro batikos n lang inaabot nya sa taumbayan at media. Simulan n lng natin sa Ampatuan masaker tapos mga kalamidad dulot ng bagyo lindol at tsunami. Itong pinakahuli ang pagpunta ni Pope Francis at 44 na pulis na minasaker. May naaalala ba tayo na pagdamay, malasakit, awa at aga-rang tulong? Ito kay Pope Francis dapat ba pati sa harap niya e magpatsutsada si PNoy sa mga kritiko nya? Di ba kabastusan ‘yun? Ngayon naman 44 na pulis minasaker nagkandarapa ba siya sa pagpunta sa mga namatay? Ano inuna nya ang ribbon cutting di raw pwede ikansel. Pagpunta sa misa para sa mga minasaker late pa? Ayaw pa raw ng mabongga bulaklak sa burol dahil may allergy daw siya. At marami pa kaungasan inasal si PNoy sa ating bayan. Kaya masasabi n si PNoy ay hindi tunay na dugong Pinoy at hindi Kristiyano at hindi maka-Dios. Sa ugali at asal at kawalan ng modo? Sadista ang tawag diyan Pwee! – Juan po #+639094818 – – – –

PNoy walang tiwala sa militar

KA JERRY YAP, gud am! Sa totoo lang, walang tiwala si pe-noy sa mga military cmdrs lalo na’t mga nasa Mindanao. Totoo ‘yan at agree ako riyan. Kaya’t nagwa-wala at sumikat si Lt. Gen. Greg at si Antonio Tnoon. kasi, mismo ang mga taga-AFP ang nagbebenta ng armas at bala sa Muslim rebels through Gen. Angelo Reyes, suma-impierno nawa. Kaya’t hindi mawawala ang gulo sa mindanao hangga’t hindi nako-court marshalls at hindi nabibitay ang mga traidor na negosyanteng hoodlums-in-uniforms sa AFP. Matinding house-cleaning ang kailangan sa buong AFP! 

Kahit pa meron nang BBL, mabaho pa rin ang AFP, walang pagbabago, kundi pangga-gago na lang! Sayang lamang ang ibinabayad natin buwis at sayang na buwis-buhay ng matitinong alagad ng batas pati ng buong Sandatahan Lakas. Tapos, magkaroon pa tayo ng lider na with no brain and with no testicles, santisima putrissiba! TY! Frank/ Cal. City #+639209607—-

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *