Erap may kaso rin sa United Nations
hataw tabloid
February 25, 2015
Opinion
ANG Pilipinas ay isa sa mga bansang lumagda sa United Nations Convention Against Corruption (UNCAC), ibig sabihin, nakikiisa na tayo sa pandaigdigang kampanya kontra-katiwalian.
Hindi lang pala sa bansa may atraso si Erap bilang sentensiyadong mandarambong kundi sa buong mundo, alinsunod sa mga patakaran ng UNCAC.
Batay sa database ng grand corruption ca-ses ng Stole Asset Recovery Initiative (STAR), si Erap ay may case number 66.
Ang STAR ay magkatuwang na inisyatiba ng World Bank at ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNDOC) na umaayuda sa pagsusumikap ng buong mundo na tuldukan ang operasyon ng mga imbakan ng mga nakaw na yaman, mawakasan ang money laundering at tumulong sa pagbabalangkas ng sistematikong pagsasauli ng mga ill-gotten wealth.
Ayon sa STAR, si Erap bilang sentensiyadong mandarambong ay lumabag sa Articles 15, 19 at 23 ng UNCAC.
Ang Article 15 sa UNCAC ay hinggil sa panunuhol sa national public officials, ang panghihingi at pagtanggap ng suhol ng opisyal ng pa-mahalaan para baluktutin ang batas upang pa-boran ang sarili, pamilya at mga alipores.
Habang sa Article 19 naman ang pang-aabuso sa puwesto ng opisyal para makapagtamasa at ang Article 23 ay hinggil sa pagtatago ng kayamanan mula sa krimen at paglalagak nito sa mga legal na negosyo o ari-arian at bangko, o money laundering.
Kaya hindi mga batas sa Pilipinas lang ang nilabag ni Erap, kundi maging ang pandaigdigang kasunduan na UNCAC ay binaboy rin niya nang gahasain ang kaban ng bayan at hinatulan siyang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder.
Alam ba ng Supreme Court na pirmado tayo sa UNCAC?
ANG UNCAC ang isa sa mga naging argumento ni Atty. Renato dela Cruz, abogado ni Mayor Alfredo Lim nang maghain ng motion for reconsideration (MR) sa Korte Suprema kamakailan para hilingin na baligtarin ang pasya nitong pagbasura sa disqualification case laban kay Erap.
“The international community might find the country politically and economically indecisive on its policy against corruption, because while leaders in their respective countries who are found guilty of corruption are barred from occupying public positions in their government, in the case of the Philippines, there is no such bar,” ani dela Cruz.
Nakasaad aniya sa UNCAC na bawat estado ay dapat magtakda ng pamantayan kaugnay sa kandidatura at paghalal sa puwesto at magbalangkas ng mga paraan para sa diskuwali-pikasyon sa pag-upo sa gobyerno ng mga sentensiyadong kriminal.
Ito aniya ay alinsunod sa paglagda ng Pilipinas sa UNCAC bilang kaisa sa layunin na mariing pagkondena sa korupsiyon at obligasyon para maiwasan, alamin at parusahan ang mga sangkot sa katiwalian.
Dahil ba sa politika ay hahayaan ng Korte Suprema na mabalewala ang kawastuhan ng batas at pandaigdigang kasunduan, gaya ng UNCAC?
Jinggoy, Erap mag-ama nga!
TULAD ni Sen. Jinggoy Estrada, ‘ipinakulong’ rin ng Sandiganbayan ang kanyang kuwestiyonableng yaman na nagkakahalaga ng P184 milyon dahil posibleng nakamal ito bunsod ng pork barrel scam.
Ang mga ari-arian ni Jinggoy na inilagay sa “freezer” ng anti-graft court ay ang P30-M mansiyon sa Corinthian Hills Subdivision.
Sa Quezon City, anim na condominium units, pitong residential at agricultural lots, isang townhouse at pitong sasakyan.
Kasama rin sa hindi puwedeng galawin ni Jinggoy at kanyang pamilya ang shares of stock na nagkakahalaga ng P16-M na nakarehistro sa pangalan ng kanyang mag-inang sina Precy at Janella Marie.
Hindi na bago sa pandinig ng samba-yanang Filipino ang eskema ni Jinggoy sa pagkukubli ng “ill-gotten wealth,” ganyang-ganyan ang estilo ng kanyang amang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.
Sa rami nang dinambong ng kanyang tatay sa loob lamang ng dalawa’t kalahating taon sa Malacañang, isang aklat ang naisulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na may pamagat na “Investigating Estrada, Millions, Mansions and Mistresses.”
Detalyado sa libro kung paano ginamit ni Erap ang pagiging pangulo ng bansa para bumili, sa pamamagitan ng dummies at shell companies, ng real estate properties na nagkakahalaga ng P2 bilyon para sa kanyang asawa, mga kerida at mga anak.
Ibinulgar rin ng PCIJ ang pattern sa pagbubuo ng korporasyon ng kanyang mga kerida sa 66 kompanya na sila Erap at kanilang mga anak ang nakalista bilang incorporators at board members.
Nakapagtataka ba na si Erap ang tatay ni Jinggoy at si Jinggoy ay anak ni Erap?
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])