Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxy at Will, parang PBB teens sa sobran ka-sweet-an

ni Roldan Castro

022415 Roxee B Will Devaugn

PDA at parang nagpi-PBB Teens sina Roxy (dating Roxanne) Barcelo at Will Devaugn nang maging hurado ng Bilbiling Mandaluyong 2015 na ginanap sa Mandaluyong gym. Magkatabi sila ng upuan at parang nasa stage sila na walang ibang tao na nakikita.

Wala pa naman daw silang balak magpakasal dahil marami pang gustong gawin si Roxy at mukhang hindi pa rin handa si Will na bumuo ng pamilya.

Anyway, isinalin na ni Boobita (Emy Rose), kapatid ni Ethel Booba ang titulong Miss Bilbiling Mandaluyong kay Honey Ibañez ng Bgy. Highway Hills. Nag-uwi si Honey ng cash prize worth P100,000. Wagi rin sina May Ann Gonzales, Bgy. Pleasant Hills (1st runner-up); Attalia Corina Lopez, Bgy. Buayang Bato (2nd runner-up); Ma. Anastasia Pamela Seva, Bgy. Poblacion (3rd runner-up), at si Joanna Rizza Bien, Bgy. Plainview (4th runner-up).

May challenge rin ang mga winner na parang Biggest Losser. Kung sino ang maka-achieve ng pinakamababang timbang ay pagkakalooban ng cash prize next year.

Ang Bilbiling Mandaluyong ay isa sa highlights ng 70th Liberation Day at 21st Cityhood Anniversary ng nasabing lungsod.

Cathy Mora, posibleng  magbalik-showbiz

NAKITA namin sa Hongkong ang magkakapatid na Mora—Angela Perez, Cathy Mora, at ang sister nilang si Rose (asawa ng actor-politician na si Bimbo Bautista).

Sa Hongkong din sila nag-Chinese New Year. Very close pala ang magkakapatid na ito at nagba-bonding pa rin kahit may kanya-kanya nang pamilya.

Magkakasama kaming nag-dinner kasama sina Karen Martinez, Joel Pena, at Willy Ong.

Tinanong namin si Cathy kung wala ba siyang balak mag-comeback sa showbiz lalo’t nagbabalikan ang mga ka-batch niya. Magpapapayat muna raw siya.

Tawa nang tawa si Cathy nang sabihin naming kahit nagpahinga siya sa showbiz ay buhay na buhay ang pangalan niya sa mga bading at nasa showbiz Lingo dahil ginagamit ang salitang Cathy Mora ‘pag kinakati.

Kahit nga raw ang ex-boyfriend niyang ni Nino Muhlach ay sinabihan na rin daw siyang bumalik.

Isa lang daw ang anak ni Cathy at binatilyo na raw ito dahil 15-anyos na.

‘Yun na!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …