Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-7 labas)

00 kuwentoNakatuntong siya nang ‘di-oras sa tirahan ni Jerick na nasa ikapitong palapag ng isang labing-apat na gusali na idinisenyong pang-condo. Maganda at makabago ang kayarian niyon. Pero sa tingin niya ay tamang-tama lamang iyon para sa isang maliit na pamilya o nagsosolo sa buhay.

Sa makitid na sala ng condo unit ay umagaw ng pansin niya ang malalaking larawan na nakadispley sa dingding. Sari-saring larawan ang naroroon. Iba’t ibang tanawin at lugar; mga popular na personalidad sa alta-sosyeda; at mga magaganda at seksing kababaihan. Sa hula niya ay kuha ang mga iyon ng kanyang nobyo na isang mahusay at professional na photographer.

Sinilbihan siya ni Jerick ng brewed coffee at ng samo’t saring babasahin. Ilang minuto itong nawala sa kanyang paningin binubuklat-buklat niya ang isang magasin at pahigop-higop ng mainit na kape. Nakapag-shower na ang kanyang boyfriend nang magbalik sa kinauupuan niyang sofa. Tinabihan siya nito sa upuan. At hawak na ang kopya ng inakda niyang nobela.

“Basahin ko nga ‘to…” bungad sa kanya ni Jerick.

Sumampay sa leeg at balikat niya ang braso ng kamay ng binatang may hawak sa hard copy ng kanyang nobela. Ramdam niya ang mainit-init na katawan nitong dumaiti sa kanyang kalamnan. Nagbasa ito nang pabulong sa sarili. Nagkakiskisan ang kanilang mga pisngi. Ikinakikiliti tuloy niya ang bigote at maligamgam na hininga ng nobyong dumadampi sa kanyang tenga.

Patay-malisya lang sa pagbabasa. Basa… basa… basa… at basa pa. Namalayan na lamang niyang naroon na ang isang kamay nito sa kanyang punong-hita, halos masagi-sagi na ang maselang bahagi ng isang eba. Tatangkain sana niyang umusod palayo sa tabi ng binata pero maagap siyang niyakap nito, tuwang-tuwa at tipong napakainosente ang anyo.

“Wow naman! ‘Di ko sukat akalain na napakagaling palang writer ang love ko!” ang malakas na halakhak ni Jerick.

Kasunod niyon ay mahigpit na siyang nabilanggo sa mga bisig ng binata. “Ang galing-galing mo, Love… Ang galing-ga-ling mo” ang inuusal-usal nito habang nang-halik-halik sa kanyang pisngi, punong-te-nga at leeg.

(Itutuloy)

 

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …