Friday , November 15 2024

Pasama nang pasama ang feedback kay PNoy

00 pulis joeyHABANG papalapit ang pagbaba ni PNoy sa kapangyarihan ay pasama nang pasama naman ang feedback sa kanyang performance.

Mukhang matatapos ang kanyang termino na may hinanakit sa kanya ang kanyang mga “boss”.

Mukhang hindi magiging maganda ang kanyang pag-exit sa 2016.

Nasira siya nang husto sa pagkasawi ng 44 PNP-SAF sa isang anti-terrorist operation sa Mamasapano, Maguindanao na itinago niya sa mga immediate superior ng PNP, DILG at AFP. Resulta: katakot-takot na sisihan at imbestigasyon ang nangyayari ngayon. Na magreresulta pa yata ng pagpapatalsik sa kanya sa Malakanyang.

Nasira rin siya sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na dineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.  Bilyon bilyong piso ang isyu rito, hindi alam kung saan-saang proyekto napunta.

Pero dapat din nating alalahanin na sa administrasyong ito lamang ni PNoy maraming nakulong na mga politikong mandarambong, kabilang na rito ang tatlong beterano at pinakasikat na senador – ex-Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Nabuking na ang daan-daang pork barrel nila ay pinadaloy lamang sa mga pekeng foundations ng kaibigan nilang isang Janet Lim-Napoles.

Nakulong din ang pinakamalakas na politiko sa Masbate, si ex-Congreswoman at kasalukuyang gobernadora na si Rizalina Seachon-Lanete. Nahaharap rin ito sa Plunder.

Marami ring politiko ang nakasuhan ng graft sa Ombudsman at Sandiganbayan.

Napataksik din ang umano’y tiwali na Supreme Court Justice na si Renato Corona.

Sa madali’t salita, gumugulong ang hustisya sa administrasyon ni PNoy.

Hindi narin naman bago sa atin ang politika sa bansa na tuwing papatapos ang termino ng isang presidente ay maraming negatibong isyu ang ibinabato rito. Ito’y upang sirain ang anumang endorsement nito sa kanyang mga ka-partido laluna sa mamanuking kapalit nito sa Malakanyang.

Nangyari narin ito sa pinalitan ni PNoy, kay ex-President at kasalukuyang kinatawan ng Lubao, Pampanga na si GMA na ngayo’y naka-hospital arrest sa Plunder case. Na dahil sa pagkasira sa kanyang pagkatao ay halos natalo lahat ang kandidatong kanyang kapanalig.

Sa nalalabing 15 months ni PNoy sa puwesto, asahan na ang matitindi pang negatibong isyu na ibabato laban sa kanya at asahan narin ang pagkakalasan ng kanyang supporters. Siya ngayon ay nagiging lameduck president na.

Ang dapat nalang trabahuin ni PNoy ngayon ay linisin ang mga isyu laban sa kanya upang hindi siya magaya sa sinapit ni GMA.

Kunsabagay siya rin lang naman ang nagpakulong kay GMA. At malamang na gawin din ito sa kanya kapag hindi nya kapartido ang manalong pangulo sa 2016.

Bahala na si Lord sayo, PNoy!

Anti-Political Dynasty Bill ipasa na!

– Sir Joey, ang anti-political dynasty bill ay dapat maipasa na ng kongreso. Ang 2 halimbawang karayaan sa dynasty ay kay Erap at kanyang pamilya at kay VP Binay at kanyang pamilya. Sila ay isinuplong sa maraming katiwalian sa pwesto. – 09234575…

Malabo maisabatas ang anti-dynasty bill. Dahil halos lahat ng senador at kongresista ay nasa politika ang kani-kanilang pamilya. Hanapbuhay na nila ang politika eh. Ang makakabuwag lang sa political dynasty ay tayong mga botante. Hindi na natin dapat ibinoboto ang mga nabubuhay na sa politika. Ang kanilang kapangyarihan ay nagmula sa atin na mga botante. Kaya sa 2016 ‘wag nang iboto ang pamilya ng mga trapo. That’z it!

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *