Sunday , November 17 2024

Pinagkakaperahan lang ang programa ni Mison

misonMaraming nagsasabi na hindi raw makatotohanan ang programa nitong si Comm. Fred Miswa ‘este’ Mison na “Magsumbong sa tumbong ‘este Immigration!” Saan ka naman daw nakakita na pagkatapos mo isumbong ang isang illegal alien, huhulihin after ma-issuehan ng Mission Orange ‘este’ Mission Order, at pagkatapos ng isa o dalawang araw, pakakawalan din ang naturang illegal alien! Sonabagan!!! Eh anong silbi ng pinaghirapang surveillance, case build-up at ana-analysis kuno, kung pagkatapos ng isa o dalawang araw, pakakawalan din, eh di naglolokohan lang pala kayo! Mga tinamaan kayo ng pitong diyablo!@*%#! Tingnan n’yo na lang ang kaso ng 74 na Chinese na nahuli sa kasong illegal on-line gaming diyan sa isang building sa Makati City. Hindi ba katakut-takot na surveillance ang ginawa. Kumpleto pa sa pictures, certification, ebidensiya at kuntodo may media coverage pa. Pero ano ang kasunod na nangyari? May na-shoot sa balde ba ng 3 araw sa Bicutan Jail? Hindi ba wala!? As in ZERO, WALA, WALEY!!! Paano naman ang hirap, puyat at pagod ng mga Intelligence agents na damputin sila? Masasabi ba natin na kakarampot pagkain nila na Chow king o Jollibee lang, solve na ba sila?! Natural hinde!!! Sa unang araw pa lang 44 illegal na tsekwa agad-agad na dinesisyunan o nirekomendahan “DAW” ng isang ng nagpapakilalang ALLYAS MALAKAS kuno diyan (ano sumipsep o sumabsab??) at ‘yung natirang 30 tsekwa namang natira ay halos hindi pa nagi-init sa kulungan ‘e pinalabas na rin agad! Magkano ‘este’ anong nangyari!? So sa nangyayaring sistema, balik din agad sa kanilang illegal and usual ways ang mga foreigners na ito at malamang patawa-tawa lang habang iniisip na “pera lang pala ang katapat ng kanilang kalayaan!” Only in the Philippines, di ba?! Huwag na rin kayong magtaka kung itong ganitong “Moro-Moro” sa BI ay ang magbe-benefit ay itong si “Allyas Malakas kuno” lang dahil habang ang mga kasamahan niya ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho, tuloy-tuloy naman ang kanyang pamamayagpag “kung” may aregluhan mang nagaganap! By the way Comm. Mison, nagpapatayo na raw ng mansion ‘yan ‘bata’ mo na si B. as in BOY ALLYAS sa isang subdivision diyan sa Paranaque!

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *