Sunday , November 17 2024

Lapses and talkatives sa PNoy administration

021415 PNoy malacananSABI ng ilang matatandanng politiko, ‘yan daw ang high light ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino.

Kapag nagkakaroon ng LAPSES sumusulpot ang mga TALKATIVES sa Palasyo…

Non-sense talks as in basura at baka ‘yan pa ang maging dahilan para lalong masilat si PNoy.

No. 1 d’yan siyempre wala nang iba kundi si Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.

Kumbaga, hindi lang matunawan si PNoy ‘e nakasahod na agad si Colokoy este Coloma para magpaliwanag.

Sesegunadahan pa ‘yan ni Undersecretary Abigail ‘dada’ Valte.

Kaya hayun lalong nagkakaletse-letse.

Kung may lapses nga riyan sa insidente ng Fallen 44, mababawi pa ba ‘yan ni PNoy?

Hindi na iyan mapagtatakpan ng mga espekulasyon. Kasi nga mayroong 44 buhay ang nawala na ang sisi ay ibinabato sa nagbigay ng ‘instruction’ na ilihim kina DILG Secretary Mar Roxas at PNP chief, Gen. Leonardo Espina ang ‘arrest Marwan/Usman operations’ na nagresulta sa napakasamang imahe ng administrasyong Aquino.

At dahil ganyan ang tingin maraming sector ngayon sa administrasyon, heto na naman ang communications group ng Malacanang na hirap-hirap gampanan ang kanilang trabaho.

Trying hard kasing pagandahin ang imahe ni PNoy kaya kung ano-ano na ang ginagawa at sinasabi.

Hindi nila alam lalo lang nababaon sa kumunoy ng kapahamakan ang kanyang ‘amo’ na naniniwalang “Bossing” niya ang mamamayan.

Ano bang ‘BOSS’ ‘yan? Boss ng mamamayan o bossing as in ‘busabos?

Secretary Coloma, hindi damage control ‘yang ginagawa mo kundi pagbabaon sa Pangulo sa kumunoy ng kapahamakan.

Sana naman ‘e matuto na kayo sa karanasan.

Hindi inaamot ang kredebilidad… ‘yan ay ipinupundar at pinagtatrabahuan.

Please stop talking nonsense… puwede ba!?

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *