Mula sa isang terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, bigla raw nalipat sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ang raket ng mga ‘salyahero’ ng mga overstaying na Chinese nationals at tourist workers.
Kung hindi tayo nagkakamali, dating isinasalya ang mga overstaying Chinese nationals sa NAIA terminal 2.
Katunayan ilang Chinese nationals din ang nabisto riyan at mayroon silang itinuturong ilang personahe na siyang nagpa-facilitate ng kanilang mga dokumento at biyahe.
Kapag nahuli kasi ang isang Chinese nationals na overstaying magmumulta at ipade-deport sila hanggang i-ban sa pagpasok sa bansa o magiging Blacklisted.
Para hindi mangyari ito, mas makabubuti sa kanila na bumalik sa kanilang pinanggalingan at ‘yan ay may katapat na malaking halaga ng pitsa.
Marami na rin daw ‘suki’ ang ilang travel at recruitment agency na nagpapaalis ng tourist workers diyan sa DMIA.
Kung hindi tayo nagkakamali, ini-assign ni Immigration Comm. Fred Miswa ‘este’ Mison si dating BI spokesperson Ms. Maan Pedro diyan sa DMIA para maging eyes and ears n’ya.
‘E bakit nakalulusot pa ang mga raket na kagaya nito?!
Itanong na lang natin kay alias ‘KABAYO’?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com