MUKHANG nasasayang lang umano ang ipinasusuweldo ng local government unit (LGU) ng Las Piñas City sa bagong hepe ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) na si Atty. Glenda Lucena.
‘E kasi naman para lang umanong flower vase si Atty. Glenda. ‘Yan ay ayon mismo sa ilang empleyado ng Las Piñas city hall.
Hindi rin naman daw siya talaga nagpa-function as BPLO chief dahil mayroon talagang tunay na ‘powerful’ at siyang nagpapasya kung sino ang sasakalin ‘este’ aaprubahan sa mga aplikanteng gustong magnegosyo sa Las Piñas.
Mukhang maging si Mayor Vergel “Nene” Aguilar ‘e napaikot ng isang ‘very powerful’ at ‘influential’ sa kanyang administrasyon kaya kahit nasibak na ang dating BPLO chief na sinabing sangkot sa pambubukol ‘este katiwalian ay namumunini pa rin ang dating sistema sa nasabing tanggapan.
Ayon sa mga investor at lokal na negosyanteng kumukuha ng puwesto sa Las Piñas, ang kanilang aplikasyon ay dumaraan sa isang BESS MASANGKAY at siya ang nagtatakda kung magkano ang babayaran nilang BUSINESS TAX.
Kung hindi tayo nagkakamali si Ms. Bess Masangkay ay nakatatandang kapatid ni Mayor Nene na natalong Mayor sa Muntinlupa City.
What the fact!?
Kaya kahit anong pagsisikap umano ni Atty. Glenda na ayusin ang sistema sa BPLO ‘e hindi niya maipatupad nang husto dahil nga mayroong mas makapangyarihan sa kanya kahit siya ang hepe.
Isang negosyante rin ang nakapagbulong sa atin na hindi kukulangin sa P1 milyon ang hinihinging ‘business tax’ as in ‘goodwill money’ para makakuha ng puwesto sa palengke d’yan sa Las Piñas City.
Tsk tsk tsk…totoo ba ‘yan Mayor Nene Aguilar?
‘E ano pang ginagawa ni Atty. Glenda sa BPLO kung si Madam Bess Masangkay naman ang tunay na ‘bossing’ at kumukumpas diyan?’
Pakiklaro na nga po, Mayor Nene Aguilar!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com