Ano ang mga bagay na dapat mong gawin para mahirapan ang boyfriend mong hiwalayan ka?
Salamat.
RUSSELL
Dear Russell,
Narito ang ilang paraan para hindi ka iwa-nan ng syota mo, batay ito sa mga naranasan ko, nabasa at natutunan ko sa ibang tao.
Respeto – kahit anong mangyari huwag na huwag kang mawalan ng respeto sa kanya o sa mga tao pero lalong-lalo na sa sarili mo, kung paano mo ini-rerespeto sarili mo ganoon din ang maipararamdam mo sa iba. Kasama na rin dito ang pagrespeto sa mga bagay na mas private tulad ng wallet at cellphone.
Huwag kang masyadong clingy- minsan eto ang nagiging dahilan kung bakit lumalayo sa atin ang mahal natin pag masyado tayong kulang sa pansin, at nasasakal na sila. Ok lang na magbatian sa umaga at sa gabi pero huwag naman bawat oras kailangan niyang magreport sa’yo. At isang buwan palang kayo sa relasyon ninyo gusto mo na agad magpakasal kayo.
Alamin mo ang mga hobbies niya – kung siya ba ay mahilig sa basketball, boxing, o kaya naman mahilig siya mag-malling o manood ng banda, huwag mo siyang pipigilan kung ito ang mga hilig niyang gawin kundi mas maganda nga kung maging involve ka, samahan mo siya, matutuwa din siya kung magtatanong ka anong nangyayari sa pinapanood ninyo kung di mo naiintindihan matutuwa pa siya na interesado ka sa hobbies niya.
Compliment at Surprise – matutuwa ang ating mahal kung kino-compliment natin sila sa ayos nila, damit nila o sa bagay na na-achieve nila kunwari na-promote siya sa trabaho, hin-ding-hindi malilimutan ‘yun. Ganon din kung bibigyan natin sila ng sorpresa kunwari padalhan mo siya ng paborito niyang pagkain o kaya naman card kahit walang okasyon.
Mahalin ang ating sa-rili – kadalasan sa sobrang pagmamahal sa syota natin nalilimutan na natin alagaan ang sarili natin, at sa sobrang komportable pati kalusugan natin napapabayaan na. Kailangan i-maintain ang hitsura natin, mag-exercise, mag-diet para naman hindi mawalan ng gana sa atin ang mahal natin.
Maging magaan at matutong makinig – minsan kasi lahat ng problema natin ibinubuhos natin sa mahal natin at ini-expect natin na maintindihan nila at matutulungan tayo, lahat naman tayo may mga problema sa buhay kaya sana bago mo ibuhos sa kanya ay unti-untiin lang natin, alagaan din natin ang mahal natin at importante rin na matuto tayong makinig sa mga sinasabi nila lalo na kung problema para makaisip tayo ng paraan para na masolusyonan ‘yun.
Special skills – kung ikaw ay hindi marunong magluto, mag-massage o iba pang bagay, pwede mo itong matutunan at ibigay sa mahal mo, kaya mabuti na makilala natin mabuti ang syota natin para minsan makaalis tayo sa mga “comfort zone” o nakasanayaan na, at panigurado hindi ka nila makakalimutan.
Ilan lamang ito sa mga paraan na importante para sa isang relasyon, take it one day at a time, huwag magmadali hayaan nating mag-grow ang pagmamahalan ninyong dalawa. Hayaan ninyong makilala pang mabuti ang bawat isa.
Love
Francine
Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]
ni Francine Prieto