Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-3 labas)

00 kuwento“Hey, guys… Kilalang chickboy ang Jerick na ‘yun. huh… ‘Ingat kayo!” anitong naka-labi.

Matinik daw si Jerick sa mga chicks. Kesyo naging syota nito sa opisina ng publikasyon ang ilan sa mga dating empleyada roon – sina Jenny, Menchie at kung sino-sino pa.

Sa isip ni Lily, likas talagang polygamous ang mga kalalakihan. Hindi kasala-nan ni Jerick kung marami man itong napapaibig o nabobolang babae. Nasa kabaro na niya ‘yun. At saka totoo namang malakas ang sex appeal nito. Siya rin nga mismo ay madaling napaamo ng kanyang photog.

Nang gabing iyon ay inimbitahan siya ni Jerick na mag-dinner sa isang Japanese resto na malapit sa kanilang opisina. Hindi ito nagdalawang salita at napapayag agad siya. At gaya noong mga unang paglabas-labas nilang dalawa, matapos kumain ay pinatawa siya nito sa mga pagkukuwento.

Pero pamaya-maya ay bigla natahimik ang binatang photog. Patingin-tingin lang sa kanya. At kapag nagtama ang kanilang mga paningin ay tinititingan siya sa mga mata. Hindi niya mawari kung binabasa nito ang buo niyang pagkatao o gusto si-yang isailalim sa kapangyarihan ng hipnotismo.

“B-bakit ba, ha?” antig niya kay Jerick.

“Wala naman…” anito sa pagkibit ng mga balikat. “May gusto lang sana akong itanong sa ‘yo… Medyo personal, e.”

“Okey lang, sige…” sabi ni Lily.

“May boyfriend ka ba, o nagka-boyfriend na?” tanong sa kanya ng binata.

Iling ang isinagot niya.

“Teka, bakit ba?” aniyang may pagtataka.

“Dapat ka sigurong kumonsulta sa isang doktor…” ang seryosong tugon ng binatang photog.

“At bakit?” pitlag niya.

“Sa edad mong ‘yan, e ‘di ka pa nai-in-love… Aba, pa-check-up ka kung meron kang puso!” ang tawa ni Jerick.

Kinurot ni Lily sa braso ang binata.

(Itutuloy)

 

 

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …