Friday , May 16 2025

Malinaw na sa publiko kasuhan na silang lahat!

00 aksyon almarMARAHIL ay napanood ninyo ang makailang beses na ipinalalabas ng GMA — ang kanilang exclusive interview sa isang SAF survivor na nagkuwento ng kanilang masamang karanasan sa pagtugis kay Marwan nitong Enero 25, 2015.

Habang pinanonood at pinakikinggan ko ang kuwento, hindi ko maiwasan ang mapaluha pero bilib ako sa katatagan nilang magkakasama lalo na nang sabihin nilang hindi sila susuko at sama-sama silang mamatay doon sa pakikipaglaban sa ating bayan.

Pero hindi ko talaga maiwasan ang magalit sa gobyernong Aquino – pinabayaan nila ang mga SAF natin. Pinabayaan ng mga nakatataas ang mga kagawad ng SAF. Batid na nilang nagkakaroon ng mabigat na bakbakan pero para lamang silang nanonood. Para bang ipinain silang makuha lang si Marwan.

“Nasaan na ang reinforcement?”

“Bakit walang dumarating na tulong?”

Maluha-luhang pagsalaysay ng survivor. Katanungang walang makuhang kasagutan. Kaya hindi man nabanggit ng survivor, naniniwala ako na habang nasa situwasyon sila ng bakbakan ay walang patid ang kanilang pananalangin.

Malamang isa sa panalangin nila ay reinforcement at higit sa lahat ay mabuhay pa sila para sa kanilang pamilya.

Pero dahil sa kagaguhan ng mga top brass —-  lumalabas na hinayaan lamang nila ang mga SAF kaya, nalagasan ang tropa ng 44 at sugatan naman ang iba pa.

Ngunit kung sana’y…ginawa ng top mga brass nang mas maaga ang pagpapadala ng reinforcement  — na alas-5:00 na ng hapon dumating ang tulong, marahil hindi 44 ang napatay na SAF.

Umaga pa lamang nagtatawag na ng reinforcement ang tropang SAF pero, tengang kawali lang ang mga gagong top brasses na ngayon ay nagtuturuan.

Pero si Madame Senadora Miriam Defensor ay naniniwalang hindi sana ‘pumalpak’ ang misyon kung hindi nakialam si suspended chief PNP Mr. Adviser Alan Purisima.

Hindi ka ba nakokonsensiya sa sinabing ito ni Senador Defensor Mr. Adviser. Ang sakit ng sabi niya sa iyo… “kung hindi ka sana nakialam ay baka buhay pa ang mga namatay na 44 SAF.”

Oo nandoon na tayo, trabaho ang ginawa ng tropang SAF – totoong batid na nilang maaaring hindi na sila makababalik nang buhay nang umalis sila sa kampo para sa misyon pero, kung… kung… kung… napakaraming kung, marahil waging-wagi ang SAF sa kanilang misyon.

Ano pa man, saludo pa rin tayo hindi lamang sa 44 na napatay kundi sa lahat ng SAF na nagtutulong-tulong sa misyon maliban sa kanilang top brass na nagpabaya sa kanila sa oras nang pangangailangan.

Hanga rin tayo sa survivor sa pagsasabing, sasama pa rin siya sa pagkuha kay Baslit kung ipag-utos ng nakatataas.

Sa nangyaring ito, maraming nagsagawa ng imbestigasyon – inaalam kung MILF daw ang nasa likod ng lahat – pagkapaslang ng 44. Mahirap pang patunayan ang anggulong ito. Ngunit ang malinaw na nakita ng publiko na dapat nang parusahan sa pagpapapain sa SAF ay mga iresponsableng nakatataas na opisyal ng SAF o ng PNP.

Sabi rin nga ni Madame Miriam, malaki rin ang pananagutan ng Pangulong Noynoy sa insidente. 

Kaya kasuhan na ang dapat na mga managot!

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *