Friday , December 27 2024

Madugong wakas ni “Raffy” sa Munti

CRIME BUSTER LOGOHUMANTONG sa madugong wakas ang illegal na aktibidades ni “Raffy” ang tinaguriang carnapping gang leader sa area ng south of Metro Manila.

Ang masaklap, ang gunmen na bumaril at pumatay sa kanya ay hindi nakilala. Unidentified gunmen, ayon sa impormasyong ating nakalap mula sa underworld sources.

Kung susuriin ang insidenteng nangyari, lumalabas na tinambangan ang biktimang si Raffy sa isang lugar sa Muntinlupa City ng mga taong nagligpit sa kanya. Meaning pa-traydor siyang itinumba ng mga bala.

Sa nakapa ko pang impormasyon, sa Bautista Street na sakop ng Barangay Bayanan inambus si Raffy ng mga armadong di-nakikilalang lalaki. Ang Bautista Street sa Barangay Bayanan ay isang mataong lugar.

Anyway, totoo ang kasabihang “No one is above the law.” Walang krimen na hindi pinagbabayaran.

Binabati natin ang Muntinlupa City Police Station na isa sa police station sa Metro Manila na tumanggap ng “Best Awards” sa anibersaryo ng PNP-NCR this month.

Mga OIC sa Aquino administration

HANGGANG sa kasalukuyan ay pinupugo pa rin ng Aquino administration ang pagtatalaga sa mga nabakanteng posisyon sa gobyerno.

Sa kasalukuyan ang mga vacant position sa gobyerno ay Commission on Audit (COA); Civil Service Commission (CSC); Department of Health (DOH); Commission on Elections (Comelec) at ang Philippine National Police (PNP).

Ang mga nabanggit na government offices na nasa ilalim ng national government units ay pansamantalang pinamumunuan ng mga pilit na itinalagang bantay bahay o officer-in-charge only.

Ang mga OIC ay sina Dr. Garin ng DOH, general Leonardo Espina ng PNP. Sa Comelec, CSC at COA, pinupugo pa ng gobyerno. Waiting for nothings ang taong bayan kay P-Noy.

Kung pagmamasdan, hindi lamang sa national government units nangyayari ang ganitong sitwasyon. Maging sa high level ng pulisya o ng PNP.

Sa Pasay City, OIC ang itinalagang chief of police sa katauhan ni Sr/Supt. Sydney Hernia. Hindi pa nakakapamili si Mayor Tony Calixto kung sino ang nais niyang iluklok na permanent COP sa Pasay City police station.

Sa iniwanang ginintuang trono ng nagretirong si Chief Supt. James Gatchalian at suspended Chief Supt. Raul Petrasanta sa PNP-Region 4-A (CALABARZON) at sa PNP-Region 3 (Central Luzon) pawang nasa-category ng OIC ang itinalagang regional police director sa nabanggit nating rehiyon.

Ang itinalagang bagong pinuno ng PNP-SAF ay sa kategorya ring OIC. Walang magawa si PNP-OIC general Espina kundi ang magsawalang kibo at himasin ang kanyang ulo.

Pahaging uli!!! VK sa area ng PCP-5 sa Parañaque City

DIYAN daw sa area of jurisdiction ng PCP-5 ng Parañaque City police, partikular sa bahagi ng BF ay may nagpapalatag ng mga unit ng improvised na makina ng Video Karera na walang stickers.

Ang commander daw sa PCP-5 ng Parañaque City police ay si Senior Inspector Matulac.

Naku po!!! Baklas, latag daw ang diskarte ng bagong naglalagay ng mga salot na makina sa bahagi ng BF na may kasama pang pananakot. Pangalan pa raw ni hepe ang isinasangkalan???

Mayor Edwin Olivarez at Chief Inspector Rolando Santiago, ipa-counter check n’yo na rin po ang pa-lotteng bookies nina Rene Ocampo (RR) at Kalagayan, alias “Willie” sa buong Parañaque City.

Kamakailan ay nakipag-usap daw sa isang PNP official sa Las Piñas City ang local area management ng saklang patay na si Manix.

Ang pakay daw ni Manix para kausapin ang PNP official ay upang makapaglatag ng sugal na saklang patay sa bayan ng Las Piñas City.

Hindi naman daw nagkasundo ang PNP official at ang spokesman ng sugalan na si Manix dahil P20,000 ang nais na maging weekly intelehensiya ng PNP official. Subaybayan!

P.5-K ang lotteng bookies sa Cavite

LARGADO na naman ang malawakang operasyon ng pa-1602 na lotteng bookies sa upland at lower land sa lalawigan ng Cavite. Kahit ipagtanong pa sa ilang barangay officials sa lowerland ng Cavite, partikular sa Anabu 4.

Sa Barangay Mabolo sa Naic, Cavite, pangalan ng isang Teysi ang pinalulutang sa pergalan na itinayo sa nasabing bayan. Inaabot daw ng madaling araw ang mesa ng color games. Mga minor ang nagsusugal. Teka si Camposanto ang katiwala sa kampo ng PNP sa Imus, Cavite.

Crooked gambling connections sa Region 1, 2, 3

NAMUMULAKLAK na naman ang mga peryahan na hinahaluan ng mga mesa ng sugalan na color games, dropballs, pula’t puti at card games sa area of jurisdiction ng PNP-Region 1, 2 at Region 3.

Ang mga pergalan ay matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Bataan, La union, Pangasinan at Baguio City na ang mga capitalista, locators, bookers ay sina Myrna Yambot, Nardo Putik, ang Ibasan brothers, Domeng, Rik Kiros, Egay, Fher, Lourdez Tomboy, Bebot, Boy Lim at Alex Buda ng Agoo, Naguilan, La Union connections.

Ang pergalan sa Baguio City ay matatagpuan sa Otek St., sa likod ng Andoks na sakop ng Burham Park. Si Lord Alvarez ang capitalista. Oppss, ang city police director sa Baguio City ay si Sr/Supt. Rolando Navarro, na nanggaling sa Metro Manila.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *