ni Roldan Castro
THREAT ba si Empress Shuck kay Max Collins na kasama niya sa serye na galing sa ABS-CBN?
“Hindi po siya threat sa akin pero ginagawa ko posiyang inspiration to be better. To focus more on my role, and to make sure na, ayoko kasing maiwan. Ayoko kasing sabihin ng mga tao or isipin ng mga tao na hindi ako deserving for the role. Kaya ginagawa ko po ‘yung best ko and I think it’s nice na magkasama po ulit kami kasi at least magkakilala na kami, naka-work ko na siya before, sa ABS.
“Dati po ako ‘yung kontrabida sa show niya, ‘yung Rosalka, so maganda na ngayon magkasama po ulit kami,” sey ni Max.
Bilog at mapaglaro talaga ang showbiz dahil baligtad ang nangyari ngayon. Si Empress na ang kontrabida sa serye.
“Hindi ko aakalin na mangyayari ‘yun. Never ko inakala na mangyayari ‘yun so nagulat ako noong nalaman ko na siya pa. But I’m really happy na it’s her because we’re friends din naman and mas lalo ko siyang naging kaibigan since nag-start kaming mag-taping,” sambit pa niya.