ni Alex Brosas
MUKHANG natuluyang maghiwalay sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion.
May umapir kasing photo ni Jasmine na nakipag-dinner during Valentine’s Day kasama ang female best friend niya at hindi si Sam. With that ay uminit lalo ang chikang hiwalay na sila.
Mayroonkayang kinalaman si Anne Curtis sa hiwalayan nina Sam and Jasmine? Matagal na kasing napabalitang against na against si Anne kay Sam para sa kanyang younger sister.
Hindi nga ba’t ipinahiya niya ng todo si Sam nang alispustahin niya ito sa isang birthday party? Hindi ba’t pinagsalitaan niya ng masasakit si Sam na buti’t edukado at hindi siya pinatulan?
Ang feeling namin, kung true nga na magkahiwalay ang young couple ay malaki ang kinalaman dito ni Anne na masyadong pakialamera sa relasyon ng kapatid niya gayong hindi naman siya pinakikialaman nito sa relationship niya kay Erwan Hussaff.