Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn Bernardo, excited sa pelikulang Crazy Beautiful You

021815 kathniel

00 Alam mo na NonieEXCITED si Kathryn Bernardo bagong pelikula nila ni Daniel Padilla sa Star Cinema na pinamagatang Crazy Beautiful You. Kakaiba raw kasi ito sa mga nagawa na nila ni DJ.

“Iyong character namin dito ni DJ, very different siya sa mga napanood nila kasi med-yo may twist siya nang kaunti. First time din namin gumawa ng full-length movie with Direk Mae Cruz, so exciting ta-laga.

“Nakaka-challenge si-yang gawin at nakakatuwa. Palaging yung role ko, mabait na anak, ganyan-ganyan. Okey rin na gumawa ng something new.

“Na-excite talaga ko noong sinabi sa amin ito noon. Sabi ko, ‘My gosh, ang tagal ko na itong hinintay! Tapos, noong ginagawa ko siya, masaya, na-enjoy ko ang character. Gusto ko na iba-iba ang character para hindi pare-pareho.

“Nag-enjoy lang talaga kami sa trip na ito e. Hindi lang naman kami parati, may friends din siya, and may mga Aetas din kaming friends na na-meet dito sa shooting namin. Kaya mas nakilala namin yung mga ibang tao rito,” saad ng dalaga.

Ang Crazy Beautiful You ay tungkol sa kuwento ni Jackie (Kathryn), na isang rebeldeng anak na isinama ng kanyang ina sa medical mission upang madisiplina. Sa naturang misyon, magtatagpo ang landas nila ni Kiko (Daniel) na naatasang magbantay sa kanya habang tinutupad ang mis-yon para sa komunidad.

Tunghayan kung paanong nabago ang buhay nila sa isang crazy romantic adventure. Tampok din dito sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Iñigo Pascual, ito’y mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …