Kampanya vs ‘Pirata’ pinaigting pa ng NBI Bilang pagpapalakas sa IPOPHL
hataw tabloid
February 18, 2015
Bulabugin
NATUTUWA tayo sa kampanyang inilulunsad ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI)-IPR UNIT laban sa mga ‘piratang’ malalakas ang loob na mamugad sa bansa at patuloy na nagpapakalat at nagbebenta ng iba’t ibang klaseng pekeng produkto.
Ang kampanya ay bahagi rin ng suporta sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL).
Kamakailan nga lang ay sinalakay ng mga tauhan ni Atty. NELSON LALUCES, hepe ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights (NBI-IPR) ang mga area sa Binondo, Baclaran, Pasay City na pinamumugaran ng mga nagbebenta ng pekeng signature pants, sapatos gaya ng Nike at marami pang iba.
Hindi naman tayo racist, pero nalulungkot tayo na karamihan ng mga nahuhuli ng NBI-IPR ay pawang Chinese nationals na s’yempre nabibisto rin na illegal aliens na tax evader pa.
Kung hindi tayo nagkakamali nitong nakaraang taon (2014) ay natanggal na ang Philippines sa USTR Special 301 Watch List in 2014. Isa itong manipestasyon na ginagawa ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin upang mapatatag ang imahe ng bansa na kumikilala at iginagalang ang intellectual property rights.
Kaya naman talagang puspusan ang kampanya nina Atty. Laluces base sa instruction ni NBI director VIRGILIO MENDEZ laban sa mga pirata.
Ang pamemeke ay isang uri ng pagnanakaw hindi lang sa kompanyang gumagawa ng pinepekeng produkto kundi sa kabuuan ng ekonomiya ng bansa.
Nagbanta rin si Atty. Laluces sa mga naka-‘TONGPATS’ sa mga negosyanteng Tsino na mamemeke.
Babala po ‘yan sa lahat, mula sa mga opisyal ng pamahalaan na nakikisangkot sa maling gawain na ito hanggang sa ilang taga-media na mahilig umarbor sa mga huli ng NBI.
Mabuhay ka, NBI Atty. Nelson Laluces!