Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bimby at Jana ‘Baby’, gagawa ng pelikula

021815 bimby Jana ‘Baby’ Agoncillo

00 fact sheet reggeeWALA pang shooting ang pelikulang pagsasamahan nina Bimby Aquino Yap at Jana ‘Baby’ Agoncillo ay marami na kaagad ang nag-aabang nito at panay ang tanong namin kung kailan ito sisimulan.

Bagong tambalan daw kasi ang Bimby at Baby bukod sa parehong cute ay mahusay daw umarte ang anak-anakan ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad.

At maski na English speaking si Bimby ay hindi magiging problema kay Jana o Baby dahil tiyak na magkakaintindihan naman sila.

Ang mama ni Bimby na si Kris Aquino ang nagsabi sa amin na pagtatambalin ng Star Cinema ang dalawang bagets at sabi nga niya, priority niyang bantayan ang shooting ng anak kapag nag-umpisa na.

Sabay inamin sa amin ng TV host/actress na plano palang ni Ms. Malou Santos na igawa ang pelikula ang dalawa at wala pang pormal na usapan, pero in-assume na ni Kris na tuloy na tuloy na ito at posibleng ipalabas sa Disyembre para sa Metro Manila Film Festival kapag walang pambatang entry ang Star Cinema.

Jackpot ang Star Cinema kung pang-Metro Manila Film Festival ito dahil maraming mga bagets na gustomg-gusto sina Bimby at Baby.

Bakit kaya hindi muna i-guest si Bimby sa Dream Dad para makita ang chemistry nila ni Baby?

Para naman hindi lang ang dream dad ni Baby na si President Baste (Zanjoe) ang may ka-loveteam sa pamamagitan ni Alex (Beauty Gonzales) na tinawag silang BasLex ng viewers.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …