Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, natiis ng mga magulang na ‘di makita at maihatid sa pakikipag-isandibdib kay Sen. Chiz

ni Ronnie Carrasco III

021715 chiz heart ongpauco

MORE than being co-workers sa programang Startalk ang relasyon namin ni Heart Evangelista, este, Mrs. Love Marie Ongpauco-Escudero na pala.

On either side pala kasi ng kanyang mga magulang may konek si Heart with a top-ranking military official na kababayan ng aming mga ninuno sa bayan ng Paniqui, Tarlac.

Bukod dito, Heart and this writer have developed genuine warmth towards each other, dahil na rin sa kanyang likas na kabaitan.

Ito ang dahilan kung bakit ikinalungkot namin ang no-show ng kanyang mga magulang—Mr. Rey and Mrs. Cecille Ongpauco—sa mahalagang okasyon pa man din sa buhay ng kanilang anak: ang pagpapakasal nito kay Senator Chiz Escudero noong February 15 sa Balesin Island Resort.

Family tradition has it that occasions like this ay dinaluhan ng mga partido on both sides. Kung may mga hindi naman kaanak na imbitado sa okasyon, puwede bang mawala ang mga mismong magulang ng mga ikakasal, most specially on the part of the bride na inihahatid ng ama nito patungong altar before he “surrenders” her daughter to the groom?

Nakalulungkot dahil ang ‘di pagsipot ng mga magulang ni Heart ay salungat sa linyang madalas nating marinig mismo mula sa bibig ng mga magulang, “Walang sinumang magulang ang makatitiis sa anak, pero kaya ng anak na tiisin ang kanyang magulang.”

In this case, natiis nga nina Rey at Cecille ang kanilang anak na nag-birthday na’t lahat (February 14) at ikinasal pa, pero ni anino nila ay wala sa okasyong ‘yon.

Noong una, ipinagdasal pa namin na sana’y gimik lang ni Heart ang paulit-ulit niyang deklarasyon na hindi sisipot ang kanyang parents only to pop out on her wedding day. Or at least, if Heart knew that her parents couldn’t really make it ay bigla na lang susulpot ang mga ito as a pleasant surprise.

But no such gimmick took place. Heart walked down the aisle alone.

Sa totoo lang, mahal ng inyong lingkod si Heart. There’s something about there na agad mong mamahalin, at ‘yun ay ang kanyang pagiging totoo, both in the way sa kanyang sinasabi at sa kanyang nararamdaman.

Panalangin namin na sana’y maging bukas naman ang puso’t isip nina Mr. Rey at Mrs. Cecille para patunayang walang sinumang magulang ang makatitiis sa anak.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …