Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, napaiyak sa sulat ng kanyang daddy

021715 heart rey ongpauco

00 SHOWBIZ ms mISA sa madamdaming tagpo sa kasalang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ay nang basahin ng huli ang sulat ng kanyang amang si Mr. Rey Ongpauco na hindi dumalo sa kanilang kasal.

Nakakuha kami ng kopya ng sulat ni Mr. Ongpauco sa Facebook account ng GMA reporter na si Nelson Canlas at nais naming ibahagi ang liham na iyon. Narito po ang madamdaming sulat ng ama ni Happy.

 

To Heart:

Isa sa pinakamasakit para sa isang ama ay mawala ang anak na babae sa kanyang poder. Mula nang ipinanganak ka, ikaw at ang mga kapatid ang buhay namin.

Marami kaming isinakripisyo at ang tanging hangad lang namin ay mabigyan kayo ng magandang kinabukasan at buong pamilya.

This is it. You are about to enter a new chapter in your life.

Your mom and I taught you the proper values in life.

And you are old enough to know what’s right or wrong.

My only wish is to see both of you happy.

Alam mo anak, gustong-gusto kitang ihatid sa altar.

Sino ba naman ang ama na ayaw makita ang kanyang anak sa pinaka-importanteng araw ng buhay niya.

But a lot of things has happened that hinder us from going.

Sana Chiz, mahalin mo ng buong-buo ang anak namin.

Accept everything about her.

Take care of her and love her unconditionally. Just like her mon and I loved her unconditionally.

This is my promise—when the day comes that I see both of you truly happy, when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking at your door.

I may not be there right now but I am thinking of you Heart.

I LOVE YOU,

DAD

 

Sa Balesin Island, Quezon province, noong Linggo isinagawa ang kasalang Chiz at Heart na ang kaibigang bishop ni Sen. Chiz na si Bishop Arturo Vasquez ang nagkasal sa kanila.

Naunang lumakad ang groom sa patio kasama ang kambal nito na siyang naghatid sa kanilang ama.

Ang mga principal sponsor ay mula sa mga kilalang negosyante, politiko, at entertainment samantalang ang mga bridesmaid ay nagmula karamihan sa GMA 7.

Mag-isa namang naglakad sa aisle si Heart suot ang glowing white gown na gawa ni Ezra Santos at sinasabing inspired sa isinuot ni Princess Grace Kelly ng Monaco. Pagkaraan ng seremonya, nagpalit ng damit si Heart ng isang lace off-shoulder dress na gawa naman ni Mark Bumgarner para sa kanilang reception na ginawa sa Toscana Garden ng naturang isla.
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …