NAGING viral hit sa internet ang video ng robot dog bunsod ng kahanga-hanga nitong pagkilos at balanse.
Si Spot, ang electric canine ay latest creation ng Boston Dynamics, ang robotics company na pag-aari ng Google.
Ito ay “miniaturised version” ng BigDog quadrupedal bot. Ngunit bagama’t ang BigDog ay planong gamitin sa military, kakaiba si Spot.
Ang video ni Spot ay nagkaroon na ng 2.4 million views sa loob lamang ng dalawang araw sa YouTube.
Bunsod ng magaan nitong timbang, nagagawa nitong makatakbo nang parang nagdya-jogging lamang, at nakatatakbo paakyat at pababa ng mataas na lugar.
Nagagawa rin niyang manatiling nakatayo – nang subukang sipain habang naglalakad sa yelo.
Sa nasabing video ay makikita rin ang dalawang aso kung paano maglakad o tumakbo nang magkasama, ang isang Spot ay banayad na binabangga ang isa kapag nahaharangan siya habang kapwa sila umaakyat sa mataas na lugar.
(ORANGE QUIRKY NEWS)