Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong Revilla umalma sa panggigipit sa kanya ng Sandiganbayan (Gustong kompiskahin ang P224 milyong assets)

111514 bong revilla jr

00 vongga chika peterTAMA ang kampo ni Sen. Bong Revilla na dehado ang actor-politiko sa naging desisyon ng Sandiganbayan na kompiskahin ang umaabot sa P224 milyon assets dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam na pinamumunuan ni Janet Napoles.

Unang-una laging sinasabi ni Senator Bong na kahit nakapiit siya ngayon sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, inosente siya sa lahat ng mga ibinibintang sa kanya ng gobyerno ni P-Noy. Saka bakit kukunin sa kanya ang naipundar na mga ari-arian e galing naman lahat ‘yon sa kanyang pag-aartista at pagiging movie producer. Matatandaang bago pa pasukin noon ni Revilla ang politika ay may mga property na siyang naipundar mula sa mga ginawang show sa GMA 7 na Idol Ko Si Kap, at Kaps Amazing Stories.

Hindi lang ‘yan, milyon rin ang talent fee ni Bong sa bawat pelikulang ginagawa niya noon at tumipak rin sa takilya ang ilan sa mga produced niyang pelikula na siya ang artista at bida, idagdag pa ang ilan sa mga endorsements ng mga produkto.

So malinaw, bago pa nakulong si Revilla ay may pera na siya at maraming investments bunga ng kanyang pagsisikap at pinagpaguran. Samantala narito ang statement ng senador sa pandedehado sa kanya ng Sandiganbayan:

“Almost all of the properties they have attached were acquired long before I become senator. Even the fruits of my compensation from GMA 7 were attached,” paliwanag sa isang interbyu sa kanya.

Binanggit din ng nasabing politiko, na pati ang kanilang ancestral home sa Imus, Cavite, kung saan nakatira ang kanyang amang dating senador na si Ramon Revilla Sr., ay saklaw ng naturang kautusan.

Is this a sign of harassment or not gyud!

BIYUDANG LOLA NA UMAASAM NG VALENTINE DATE SA “PROBLEM SOLVING” BINIGYANG KATUPARAN NG EAT BULAGA

Ang masaya at very relaxing na segment sa Eat Bulaga na “Problem Solving” sa Juan For All, All For Juan na kapag pinanood ay mai-enjoy talaga at bawas pa sa daily stress sa buhay, ang naging venue ng aksidenteng pagtatagpo ng parehong balo na sina Lola Fe at Lolo Esteban. Idinudulog ni Lola Fe, residente ng barangay, ang kanyang problema sa paghahanap ng kanyang makaka-date sa Araw ng mga Puso kina JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo) kasama ang maganda at seksing actress na misis na ngayong si Marian Rivera. Nasa Broadway studio naman ng Bulaga si Lolo Esteban kasama ang isang kaibigan na may edad na rin. Pinapili ni Bossing Vic Sotto kung alin sa dalawa ang gusto nito at presto si Tatay Esteban ang pinili nito at noong araw na ‘yun ay nagkapalitan na agad ang dalawa ng kanilang mga cellphone number. At hindi pa pala diyan nagtatapos ang lahat because there’s more pa. Gumawa pala talaga ng paraan ang production team ng Eat Bulaga para masolusyonan ang problema ng biyudang Lola at mabigyan talaga ng date with Lolo Esteban. Nangyari nga ang pinapangarap ng dalawang matanda na binigyan sila ng libreng Valentine date last February 14 ng pangtanghaling programa at lahat ng expenses ay sagot ng Bulaga. Hindi lang ‘yan sa official Facebook Fan Page ng EB ay sikat na rin ang soon-to-be mag-sweethearts na umabot na sa 37,534 ang mga nag-like sa kanilang photos samantala nasa 455 na ang nagbigay ng kanilang love messages sa mga nabanggit na oldies at 90 naman ang bilang ng mga nag-share nito. Super sweet at kilig-kiligan naman gyud! ng isang kaibigan.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …