Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Ang Tattoo ni Tikboy Kulangot

00 kuwentoBatang-Tondo ako. Walang puwang sa lugar na kinalakihan ko ang mga walang buto at duwag. Naghahari-harian sa aming komunidad ang mga sanggano at siga-sigang tulad nina Totoy Agila, Boy Demonyo, Dodong Shotgun, Junior Topak, at iba pa. Lahat sila ay pulos naglalakihan ang tattoo sa dibdib, likod, braso o sa isang bahagi ng katawan.

Hindi nababakante sa tagayan ang mga kanto-kanto at sulok-sulok sa aming lugar. Mapa-araw man iyon o mapa-gabi. Grupo-grupo ang mga siga-siga sa paglaklak ng agua de-pataranta. Kaya nga may mga pagkakataon na sila-sila mismo ay nagkakarambulan. At saksi ako na talagang walang magawa ang mga opisyal ng barangay namin sa kanilang pagsasagupaan. Kinakailangan pa ang pagresponde ng pulisya para hindi mauwi sa madugong insidente ang pagpapakita nila ng tapang sa isa’t isa.

Pero ang kakatwa, ang mga siga-siga sa aming lugar ay tiyope pala sa kani-kani-yang asawa. Tila asong nababahag ang buntot kapag umeeksena na ang kanilang mga misis.

Kahanay roon sina Totoy Agila, Boy Demonyo, Dodong Shotgun, Junior Topak, at iba pa. Ang mga de-tatong macho ay ‘di makapalag sa kani-kanilang misis.

Napansin kong tumatayo agad si Totoy Agila sa umpukan ng mga nag-iinuman sa isang tawag lang ng misis niya. Gayondin naman sina Demonyo, Shotgun at Topak. Pero puwera sa kanila ang patpating si Tikboy Kulangot na ‘di naman kilalang siga sa aming lugar. May tattoo rin sa punong braso pero maliit lang. At nang tawagin sa tagayan ng galit na misis ay bigla nitong inililis ang manggas ng suot na T-shirt.

Aba, naku! Ura-urada nang umuwi ng bahay ang misis ni Tikboy Kulangot na mistulang sumo wrestler sa katabaan.

Tulak ng kuryosidad ay inusyoso ko ang tattoo sa braso ni Kulangot. At napakamot ako sa batok sa pagkadesmaya nang mabasa ko ang nakasulat doon: “Sige, mahal, susunod na ako sa iyo.”

Asus!

 

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …