Friday , December 27 2024

Ang mga ‘laro’ sa Parañaque City

00 Bulabugin jerry yap jsyAY sori po, hindi ito basketball, chess o kahit anong sports…

Ang ‘LARO’ na tinutukoy natin ay ang mga ilegal na sugal gaya ng 137 o jueteng ni Joy Rodriguez at ang lotteng operations nina Willy Kalagayan at Rene Ocampo.

Nandiyan din ang saklang patay nina Daku, Boy Vidas at Emeng.

E how about video karera, hindi na kailangan itanong ‘yan dahil talamak na rin ito sa lungsod ni Mayor Edwin ‘political dynasty’ Olivarez?!

Ang ipinagtataka natin dito, noong panahon naman ni dating Mayor Florencio “Jun” Bernabe ‘e wala tayong nababalitaang ganyang katalamak na sugalan.

Bakit ngayon sa panahon ni Mayor Olivarez ‘e parang kahit saan pumaling ‘e may nakikita tayong mga nagpapataya!?

Mayroon din mga patay na kung iburol ‘e halos isang buwan minsan nga 45 days pa para lang maging prente ng sakla.

Ano akala ninyo sa patay, chicken na after 45 days ‘e puwede nang katayin?

Ano ba talaga ang nangyayari sa Parañaque, Mayor Edwin Olivarez?

Kung ‘yang mga sugal-lupa lang na ‘yan ay hindi kayang patigilin ni Mayor Olivarez, paano pa kaya ‘yung pagpapa-aspalto sa maikling bahagi ng kalye sa Sucat Road, malapit sa Duty Free Philippines?!

Kaya mo ba talagang maging chief executive ng isang lungsod, Mayor Edwin Olivarez?

Baka ang akala ni Yorme Olivarez ‘e nasa Laguna pa siya!?

‘E baka naman, gusto mo lang gayahin ang tatay mo pero hindi mo kayang i-deliver ang katikasan niya?!

Aba, parang naririnig kong sinasabi ng mga taga-Parañaque na magbalot-balot ka na sa 2016!

HR Chair Madam Etta Rosales kakaiba ka talaga!

NOONG araw, taon 1984, tuwang-tuwa ako kapag nakikinig ako sa radyo, sa programang “Titser ng Bayan” na ang mga pangunahing anchor ay sina Ms. Loreta “Etta” Rosales at Fidel Fababier. Kapwa sila magagaling na lider ng mga guro.  Kung hindi tayo nagkakamali, kabilang sila sa mga nagtatag ng Alliance of Concerned Teachers o ACT noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, binansagang DIKTADOR ng mga militanteng aktibista.

Hindi natin alam kung nasaan na si Mr. Fidel Fababier, pero si Madam Etta ay chairperson na ngayon ng Commission on Human Rights (CHR).

Bilib din tayo kay Madam Etta kapag nagsasalita siya at mabilis na nagpapahayag ng kanyang reaksiyon sa mga kalupitang dinaranas ng mga kababayan nating militante sa kamay ng sabi nga nila ay ‘berdugong pulis at sundalo’ o opisyal ng gobyerno.

Gaya nitong nakaraan nang ‘kalabitin’ ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista ‘yung holdaper/rapist na bumiktima ng maraming establisimento, nang-rape ng customers at  pumatay ng Koreana.

Tumalak agad si Madam Etta. Okey lang sana ‘yan kung consistent sa pagiging ‘watchdog’ against guman rights violation, ‘e paano kung hindi?

Pansin na pansin na kapag pulis ang nang-agrabyado, mabilis pa sa alas-kuwatrong magtatatalak si Madam Etta at talagang parang nagsasalita pa rin sa Mendiola kapag tumalak sa mga taga-media.

Pero kapag mga sundalo at pulis ang biktima ng pamamaslang, ang tagal bago magsalita ni Madam.

Gaya ng nangyari sa Fallen 44.

Tumatakbo na sa pangalawang linggo bago pa umepal este nagsalita si Madam Etta.

Mukhang may hangover pa ng pagiging militante si Madam Etchas este Etta!?

Wala naman pong masama roon sa pagiging militante, pero dapat laging naaalala ni Madam Etta na siya ay isa nang kagalang-galang na Commissioner ng Human Rights — at lahat ng Filipino — ultimo berdugo— ay may human rights.

‘Yun  lang po Madam. Paalala lang po sa mga taong nakalilimot.

MPD-PS4 Commander can not be reached daw palagi!?

‘YAN ang isa sa mga reklamo sa Manila Police District(MPD) Sampaloc station 4.

Madalas daw kasi na cannot be located sa kanyang opisina sa Sampaloc police station itong si P/Supt. IDLIP ‘este’ MUARIP?

Ayon sa source ng Bulabugin sa presinto kuatro, pati raw ang pipirmahang papeles at order ay natatambak muna sa mesa ni Kernel Muarip bago n’ya mapirmahan.

Hindi tuloy mainitindihan ng mga tauhan niyang pulis kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng hepe nila.

Once in a bluemoon raw kung mag-ikot si hepe sa kanilang area of responsibilities (AOR) dagdag naman ng isang pulis n’ya

Mabuti pa raw ‘yun BAGMAN ng kuwatro na si alyas PO2-10 ALEX KASOSYO ay mas madalas na nakakadaupang-palad ang amo nila.

FYI MPD district director S/Supt. Rolly Nana, ‘yan raw si PO2-10 Alex ay very close sa mga 1602 operator sa Sampaloc.

Hindi ko na ho iisa-isahin pa ang mga 1602 operator at ang iba’t ibang klaseng sugal diyan sa AOR ng Sampaloc Sir NANA, dahil tiyak ko ALAM mo naman siguro ‘yan base sa report ng Intel ninyo?!

Kernel Nana, pasyalan ninyo minsan ang Presinto Kuwatro pag may time kayo.

‘Ika nga, to see is to believe, ‘di ho ba?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *