ni Ronnie Carrasco III
MAY kasabihang ”what goes around comes around.” Sa simpleng paliwanag, karma.
Kahit ipina-off-the-record ni Ai Ai de las Alas ang dahilan ng last minute na pagba-back out niRichard Yap sa kanyang ‘di natuloy na Velentine show, finally, the beans were spilled.
Sinisisi ng kampo ni Ai Ai ang mismong producer ng show, na maayos lang umanong kausap sa umpisa pero pagdating na raw sa usapin tungkol sa pera ay sablay ito.
Initially, the accusing finger was pointed sa management agency ni Richard, kesyo kung ano-ano raw ang mga hinihingi nitong demands, presumably sa talent fee ng actor that it wanted increased.
Pero later on, nabaling ang sisi sa mismong concert producer na panay daw OPM (read: Oh, Promise Me. Pangako) na kesyo naideposito na raw sa bank account ni Richard ang napagkasunduang talent fee nito.
But when checked with the bank, no deposit was made.
Laking panghihinayang daw ni Richard that he missed the opportunity of working with Ai Ai, gayong ang aktor ang tipo ng isang katrabahong hindi mabubutasan pagdating sa pera.
Hindi man sinasadya, nakakita kami ng konek sa naturang sitwasyon wherein ang personal na karanasan ng aming reporter-friend kay Ai Ai had also seen its share of OPM and of money na ang sabi’y idedeposito na raw ng komedyana.
Pero no such promised deposit was ever entered into our friend’s account.