Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

William, tinutulungan daw ni Gabby

ni Roland Lerum

021415 william martinez gabby concepcion

NAKAGUGULAT ang mga isiniwalat na kuwento ni William Martinez. Gaya ng hiwalay na sila ng matagal ng misis niyang si Yayo Aguila. ”May iba na siya ngayon,”kompisyon niya.

Inamin din ng original na Pabling ng showbiz noon na ang mga anak niya ay nasa poder lahat ni Yayo. Apat iyon. At nagbibigay ba naman siya ng suporta o sustento sa kanila?”Hindi. Wala akong kakayahan sa ngayon. Binubuhay ko lang ang sarili ko. Pero malapit lang ang bahay ko sa kanila. Kung minsan, dinadalaw ako ng mga anak ko.

“Nagkakausap kami ni Yayo ‘pag tungkol sa mga anak namin ang pag-uusapan.”

Sabi pa ni William, tanggap niya ang kalagayan niya bilang aktor ngayon. Na hindi na siya mabenta gaya ng dati. Hindi siya gaya ng utol niyang si Albert Martinez na hanggang ngayon, kinukuha pa sa TV at movies. Buti na lang daw, tinutulungan siya ngayon ni Gabby Concepcion.

“Kapag may raket siya, isinasama niya ako. Nag-start ‘yon nang kunin siya ng Channel 5 sa teleserye ni Eula Caballero. Isinama niya ako, pumayag naman ang direktor. Matagal ko ng kilala si Gabby, bago pa namin pasukin ang showbiz.”

Ang dati niyang kalabtim na si Maricel Soriano sa Regal Films noon ay hindi na raw niya nakakausap. Si Snooky Serna pa, kung minsan. ”Si Snooky, nakakaawa. Halos lahat ng sinasamahan niyang lalaki, niloloko siya kaya ganoon ang nangyari sa kanya.”

Kumusta naman ang anak niyang si Patricia?

“Okey na siya pagkatapos ng kaso niya kay Baron Geisler. Natalo si Baron sa kaso. Kasi nga, grabe pala talaga siya kapag nalalasing kaya inireklamo ng anak ko.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …