Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feel na feel ang pag-ibig sa GRR TNT

020615 grr

DAMANG-DAMA na ang pagsapit ng Araw Ng Mga Puso sa popular na lifestyle program naGandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) na prodyus ng ScriptoVision Enterprise at mapapanood sa GMA News TV ngayong Sabado, 9:00-10: a.m..

May pahabol o postscript sa kasalang Dingdong Dantes-Marian Rivera na itinuturing na Wedding of the Year 2014. Nahuli ng kamera ang mga malalagkit na tinginan at matatamis na ngitian ng King and Queen of the Kapuso Primetime Drama. ”Nakakikilig talaga. Kompletos rekados pa,” sey ng host-prodyuser ng GRR TNT na si Mader Ricky Reyes.

Tampok din ang isang magsing-irog na ang napiling lokasyon para sa kanilang pre-nuptial pictorial ay ang paraiso ni Mader, ang Golden Sunset Resort, Spa and Hotel sa Calatagan, Batangas. Blow by blow ay kinunan sila ng crew ng premyadong programa sa honeymoon suite, harana habang kumakain sa ginayakang hardin, ang pamamasyal sa lawa, at ang pagmamasid sa unti-unting paglubog ng araw na kulay ginto.

Isang couple naman ang hinandugan ng Gandang Ricky Reyes Salon ng isang “Make Over Magic” para magkaroon ng total look ng isang bride at groom. Siyempre, total happiness naman ang naramdaman ng mga ikakasal.

Umibig ka ba? Nasawi ka ba? Umiyak ka ba? Tutok lang sa programa ni Mader dahil may mga panauhin ditong psychologists na eksperto sa pagbibigay ng payo sa segment na “Payo Ng Puso.”

Iba-iba ang kahulugan ng pag-ibig sa iba-ibang tao. Kahit ano pa man ang paniniwala nati’y isang maganda at masarap na pakiramdam ang ating natitikman tuwing tayo’y iibig. ”Pero ang Valentines Day ay ‘di lang para sa mag-sweetheart at mag-asawa. Ito’y para rin sa ating mga magulang, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak,” pahabol ni Mader.

Mula kay Mader at sa ScriptoVision, Happy Valentine’s Day sa inyong lahat!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …