Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, masaya sa resulta ng That Thing Called Tadhana sa box office

ni Roland Lerum

020915 Angelica JM

IPINALABAS na rati ang That Thing Called Tadhana pero ibinalik ngayon sa mga sinehan ang directorial job ni Antoinette Jadaone at pinagtatambalan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Dito nag-best actress si Angelica sa 19th Cinema One Originals. Malakas ang pelikula dahil na rin sa strong machinery ng Star Cinema. Mas malakas ito kaysa Halik Sa Hangin na na-pullout sa ibang mga sinehan sa Metro Manila.

Sabi ni Angelica, masaya siya sa resulta ng box-office hit. Hindi raw siya nag-alangan na makapartner si JM kahit hindi siya kasing-bankable ng ibang aktor. Nag-enjoy naman daw siya ng ginawa niya ang pelikula. Never daw niyang naisip na gusto niyang manalo habang ginagawa niya ang pelikula.

“Basta pinabuti ko lang ang role ko. Ganoon naman ako kahit anong pelikula ang ginagawa ko. I do my best. ‘Yon lang,” sabi ni Angelica.

Wait and see pa rin ang drama ni Angelica kung pagtatambalin sila ng boyfreind niyang si John Lloyd Cruz. Malabo raw siguro this year kung may plano man sa kanila ang Star Cinema. Abala kasi si JLC sa ibang leading ladies kaya sa pakikipagbabalik-tambalan nito kina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …