MINSAN nang nawala sa sirkulasyon ang aktres na ito, only to resurface and admit na nabuntis siya. Pero hindi ‘yon naging sagabal para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.
‘Yun nga lang, she pops in now, she pops out later ang style ng hitad.
Lately, balitang aktibo siyang muli—pero hindi na sa pag-aartista kundi sa uri ng kalakal na malaki ring pagkakitaan.
Ayon sa aming source, ang aktres na ito ang bumibida sa isang malawak na lugar sa Maynila na malayang nakakapasok at nakakalabas. Kumbaga sa mga nagtatanghal sa nightclub, maituturing na star dancer ang aktres, pambato sa hanay ng mga human merchandise na mabentang-mabenta sa malawak na bakurang ‘yon.
Sayang, mahusay din namang masasabi ang aktres na itago na lang natin sa alyas na Zorayda Dimalanta.