Re-stamping ng RA-7919 holder, pinagkakaperahan ngayon sa BI
hataw tabloid
February 12, 2015
Bulabugin
May mga reklamo tayong natanggap tungkol sa talamak na areglohan at pamemera raw ng ilang tulisan diyan sa registration at re-stamping ng mga foreigners na may ASIO o R.A. 7919.
Simula kasi nang pagdiskitahan ni Comm. Fred Mison na ipakalkal ang mga papeles ng mga foreigner na may hawak na ASIO, nabisto raw na napakaraming aberya o ‘tama’ ng mga na-approved na ASIO holders.
Palibhasa sa sobrang corrupt ‘este luwag daw noong araw ng sistema, napakarami raw ng nakapagpalusot ng kani-kanilang ASIO applications.
Para sa kinalaman ng nakararami, ang qualified na makapag-apply ng ASIO ay ‘yung mga dayuhan na dumating sa ating bansa on or before June 30, 1992.
Sakop dito ang kanilang dependents. Ngunit palibhasa ay corrupt ‘este maluwag daw ang mga nakapuwesto noon, may mga nakapagpalusot na dumating ng bansa na lampas sa naitakdang deadline o petsa.
Ang iba naman ay namatay na at ang ginawa ng mga notorious fixers na gaya nina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY, ipinagamit ang mga papeles nila sa iba. Talamak ang raket na ito sa mga Chinese at Bombay.
Kahit itanong n’yo pa raw kay Mr. Danny Almeda!?
Kaya naman nang ipakalkal ngayon ni Comm. Fred ‘dishonesty’ Mison ang ganitong aberya, para namang pinatama ng mega lotto sina BETTY CHUWAWA at ANNA SEY, ang mga Chinese & Indian fixers at ang hearing officers daw diyan sa ASIO or R.A. 7919!?
Anong sey n’yo rito, Atty. UNCAD at Atty. VERA???
For the information of the Honorable Commissioners, may mga nagsabi sa atin na 20k ang gay-la sa normal processing pero napakalaki raw ng singilan kung non-appearance para sa registration at re-stamping.
May mga sumbong din na may nakakakita na kasama ng ilang abogago ‘este abogado ang mga notorious fixer diyan sa Binondo na lumalamon ‘este kumakain at doon tinatapos ang kanilang transaksiyones. May free-trip pa raw to China ang mga kamote!?
Kaya suma-total, jackpot to the max pala ang karaketan ng mga hinayupak!?
At ang isang tao na tumatabo raw ngayon di-yan ay isang alyas Atty. PERA!?
Anong masasabi mo ngayon dito, Comm. Fred ‘dishonesty’ Mison?
Paiimbestigahan mo ba ang raket na ito o dedma to the max ka rin???