Friday , November 15 2024

‘Powerful’ ang bangkang may sagwan!

CRIME BUSTER LOGOHANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa rin nabubuong political party ang ilan sa maaaring makatunggali sa mayoralty race ni incumbent Mayor Antonino “Tony” Calixto sa Pasay City.

Kung ang paggalaw nila ay naging mabagal, makupad, patago, mas magiging advance o favor kay Mayor Calixto ang darating na 2016 national at local elections. Wala siyang makakalaban. Naka-two steps forward na ang bangkang may sagwan na sinasakyan ng Calixto Team.

Walang allied political forces sa Pasay

IMPOSIBLENG may makabuo pa ng political allied forces sa Pasay City.

Ang isang dahilan, sina Dr. Lito Roxas at Consuelo “Connie” Dy ay kapwa may political ambisyon din sa lungsod ng Pasay.

Kapwa sila nagbabalak na kumandidatong ‘for mayor’ sa Pasay. Pero sila lamang ang makapagsasabi kung ang binabalak nila ay itutuloy nila sa 2016 elections. Mga patutsada pa lamang ang naririnig.

Baka ang hindi umaayaw na “The Tailor ng Malibay” na si Ginoong Romulo Marcelo na lamang ang makalaban ni Calixto sa darating na halalan.

Sa October 2015 ay filing na ng Certificates of Candidacy (COC) sa Comelec.

Dedicated na team ang dapat makasama ni Calixto

KUNG walang makakalaban sa 2016 elections si Mayor Calixto, iyan na ang pagkakataon upang ipakita ng alkalde sa mga Pasayeño ang legacy na balak niyang iwanan sa lungsod ng Pasay.

Ipagkaloob na ni Tony sa kanyang constituents ang lahat ng biyayang dapat nilang matanggap sa panahon ng ikatlo niyang termino mula sa panunungkulan sa gusali ng munisipyo ng Pasay. Kapag nagawa iyan ng anak ni Mang Duay Calixto, the best ang iiwanang legacy ni Tony para sa kanyang mga kababayan. Hindi makalilimutan ng taga-Pasay ang kanyang pangalan.

Paano magagawa ni Mayor Calixto?

SIMPLE lang para magtagumpay ang magagandang plano, layunin at adhikain ni Mayor Calixto sa kanyang huling termino para sa mga taga-Pasay.

Ang dapat niyang makasama sa gusali ng city hall ng Pasay ay elected city councilors na nakahandang sumuporta sa kanyang magagandang plataporma at adhikain para sa taong bayan.

Kaya ngayon pa lamang ay dapat nang salain ng alkalde ang sinasabing ‘breakaway councilors’ na dati ay kasama niya sa political party noong 2013 elections. Nagpapayo lang po mayor Calixto.

Bukong-buko sina Napenas at Purisima

   KAHIT saang anggulo silipin ay bukong-buko ng mga senador na nagkaroon ng sabwatan sa Mamasapano, Maguindanao police operations sina suspended, resigned PNP chief director general Allan Purisima at relieved PNP-SAF director, general Getulio Napenas.

Sa ikalawang araw ng Senate hearing sa nasabing insidente, lumutang din ang anggulong nakinig sa bulong si general Napenas sa suspendidong PNP chief.

Lumabas din sa pagdinig na sa isinagawang legitimate police law enforcement operations sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 ng PNP-SAF Commandos na naitsapuwera sa plano ang OIC ng PNP, ang 3-star-PNP general na si Leonardo Espina at SILG Secretary Mar Roxas. Wala talaga silang kaalam-alam.

Ang naging opinion ni justice secretary Leila de Lima sa pagkamatay ng 44 PNP-SAF troopers dapat may managot sa insidente sa panig ng gobyerno, MILF at BIFF. Naku po! Malamang pasok sina Napenas at Purisima sa makakasuhan.

Abangan!

Teka, ang tsismis naman sa loob ng national headquarters ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City ay pahihinugin na nang husto ng palasyo ng Malacañang ang apat na star na nasa balikat ni suspended, resigned PNP chief director general Allan Purisima hanggang sumapit ang mandatory retirement sa edad na 56 sa Nobyembre 2015.

Naku po! Kapag ganyan ang nangyari, retired na sa Philippine National Police sina general Espina, general Marquez, general Valmoria ay wala pang permanenteng PNP chief na naitatalaga sa nabakanteng puwesto ni Purisima. Ang katanungan, masungkit kaya ni general Garbo ang trono ni Purisima?

Mga padaplis lang

HABANG abala ang ilan sa mga senador sa senate hearing sa senado tungkol sa Mamasapano, Maguindanao incident, sinamantala raw ng mga perya operators ang pagtatayo ng mga pergalan na may color games sa ilang lugar sa lalawigan sa Cavite.

Naku po! Nakarating kaya iyan sa kaalaman ni Bernardo Camposanto?

Kung ipasusuyod ang itinayong pergalan sa lalawigan ng Cavite, ito ay madaling makita at matagpuan. Sa Paliparan sa Dasmariñas; sa Belvedere sa bayan ng Tanza at sa Barangay Mabolo sa bayan ng Naic.

Pinapuputok na operator-gambling maintainer sa Brgy. Mabolo sa Naic, ang pangalan ni Kabayan Teysie. Malamang si Encho ang pakador.

Itinanggi naman ng tunay na Teysie na wala siyang pasugalan sa Cavite. Maaaring ginagamit lamang umano ang kanyang pangalan sa Cavite. Anyway, open na open na naman ang loteng bookies sa lower at upper land sa lalawigan ng Cavite.

Sa Barangay Dulanghan sa San Luis at sa poblacion ng Balite kapwa sa lalawigan ng Batangas, sina Malou, Aling Yolly at anak nitong si Jun at manugang na si Pinay, ang nagpapasugal ng beto-beto-sakla, color games at dropballs sa nasabing bayan. Sa Talisay, Batangas, kamag-anak ng isang local government official ang protector ng crooked gambling na didal na sugal na color games tables ang kasador. 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *