Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: May ‘girl’ si mister

00 PanaginipHello po Señor,

Vkit kya napnginipan ko po na may babae ang mister ko, alam ko tapat nman sia s akin pero dahl may mga kamag-anak at kumare ako na babaero asawa nila na nagiging sanhi ng problema at away nila, minsan ay pumpasok sa isip ko na paano kya kng may babae dn mister ko? Slmat ako c Lenny of Pandacan, wag mo na lng papablis cell ko po, tnk u Señor.

 

To Lenny,

Ang panaginip na nambababae ang mister mo ay nagha-highlight sa iyong mga insecurities at ng iyong takot o pangamba na ikaw ay maabandona o iwanan ng minamahal sa buhay. Posible rin na nakakaramdam o naiisip mo na ikaw ay nababalewala o kaya naman, ikaw ay taken for granted. Pakiwari mo ay hindi ka nabibigyan o napaglalaanan ng sapat na atensiyon o kaya, ang iyong asawa ay hindi ka binibigyan o pinag-uukulan ng sapat na pagmamahal. Pakiwari mo ay kulang o walang init ang pagtingin o trato niya sa iyo. Alternatively, pakiramdam mo ay hindi ka umaabot sa inaasahan o expectations sa iyo ng iba, lalo na ang mga malalapit sa iyo. Ito ay maaaring nangangahulugan din ng paghahanap ng outlet para sa iyong nadarama. Alternatively, posible rin na ang temang ganito sa bungang-tulog mo ay nagpapakita na ikaw ay hindi satisfied sa kasalukuyan mong relasyon. Kung ganito ang nararamdman mo, makabubuting mag-usap kayo ng mister mo at maging tapat sa isa’t isa. Ang ganitong uri ng panaginip ay nagpapakita rin ng kawalan ng tiwala sa iyong asawa. Dapat mong tandaan na ang tiwala ay isa sa pundasyon ng maayos at matiwasay na pamilya. Kaya, marapat lamang na lagi itong isaalang-alang, lalo na kung wala ka namang sapat na rason upang magduda sa iyong asawa. Hindi sapat ang panaginip upang maging mitsa ng pag-aalinlangan mo sa iyong mister dahil maaaring may ibang bagay na naging dahilan lamang upang mag-trigger ng ganitong klase ng panaginip. Kabilang na nga rito ang mga relative at kaibigan mo na babaero ang kanilang mga asawa. Pero unfair naman na dahil gawain ito ng iba, pagdududahan mo na rin ang pagiging faithful sa iyo ng mister mo.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …