Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen at Marjorie, may gap daw dahil sa Liza-Julia rivalry

021215 gretchen liza julia marjorie

00 SHOWBIZ ms mNAISULAT naman sa isang pahayagan na nagkaroon daw ng gap ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto dahil sa pagsuporta ng una kay Liza Soberano. Sinasabing si Liza ang karibal umano ni Julia Barretto.

Minsan ding hindi kasi napigil ng socialite-actress na si Gretchen Barretto na magpahag ng paghanga kay Liza. Nasabi nitong “awesome-looking” kay Liza.

Hindi rin daw nito napigil ang pagbati kay Liza gayundin sa anak-anakang si Enrique Gil (naging anak ni Gretchen si Enrique sa Princess and I) sa magandang ratings ng teleserye. Dagdag pa ang pag-aming sinusubaybayan niya ang Forevermore kaya lalong nagngitngit daw ang kapatid na si Marjorie.

Teka, karibal nga ba ni Liza si Julia? Parang malayo naman. Unang-unang, marunong umarte si Liza samantalang si Julia (pasensiya na po nagsasabi lang ako ng totoo) hindi namin nakitaan ng tunay na pag-arte sa launching teleserye niyang Mira Bella. Pangalawa, may napatunayan na si Liza kahit paano dahil nakailang pelikula na rin ang batang ito na sinusuportahan ng madlang pipol.

At take note, sa unang pagbibida niya (kahit sabihin pang kasama si Enrique), inilampaso niya ang mga katapat niyang programa sa ibang network. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media. Humataw ito sa national TV rating na nakakuha ng 28.7% ang Forevermore Something New episode na naging trending topic rin sa Twitter dahil sa mga nakagugulat na pagbabago sa buhay ni Agnes (Liza) dalawang taon matapos ang nakalulungkot na paghihiwalay nila ni Xander (Enrique). Lamang ng 15 puntos ang Forevermore kompara sa katapat nitong teleserye sa GMA na Once Upon A Kiss (14.1%).

Dagdag pa na extended ito hanggang Abril.

ni Maricris Vadez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …