Monday , December 30 2024

Coach at parent ng ADDU ang unang lumalabag sa mission ng RIFA?!

bully RIFAANG Rizal Football Association (RIFA) ay kinabibilangan ng mga football team mula sa mga kilalang private schools sa buong bansa.

Ang sabi sa kanilang website, ang kanilang mission ay: “To teach cooperation and teamwork, help develop positive social skills and develop respect for others.”

Pero sa isang insidenteng inireklamo sa inyong lingkod, hindi natin nakita ang misyon na ito ng RIFA.

Nitong nakaraang araw ng Linggo (Pebrero 9), isang estudyante ng Saint Pedro Poveda Grade School ang nakaranas ng pambu-BULLY mula sa magulang at coach ng kalaro nilang team sa idinaraos na 12th RIFA Cup sa Ateneo de Manila sa Katipunan Road, Quezon City.

Laro noon ng Saint Pedro Poveda Grade School laban sa Ateneo De Davao under-nine football team.

Ang football gaya ng basketball ay isang pisikal na laro. Ang balyahan, sikohan at banggaan ng mga katawan ay  hindi maiiwasan.

Pero mukhang hindi ito naiintindihan ng isang magulang na kinilala sa pangalang Mr. AGUSTIN. Dahil nang madaganan at masiko ang kanyang anak ay agad siyang sumugod sa football field, hinawakan ang kanyang anak saka sinugod at binulyawan ang isang 9-anyos na batang babae ng: “TINGNAN MO ITO! KANINA PA ITO! NANAKIT ITONG BATANG ITO!”

Ginawa ito ni Mr. Agustin na nakaharap ang coach ng koponan ng kanyang anak na si Reynalyn Ravanes.

Nanghihinayang tayo sa ginagastos ni Mr. Agustin sa pagpapaaral niya sa kanyang anak.

Hindi yata alam ni Mr. Agustin na kahit sa pinakamagandang eskuwelahan pa niya pag-aralin ang kanyang anak kung hindi naman siya nagpapakita ng magandang eksampol sa kanilang pamilya ‘e ‘yung masamang asal pa rin ang magagaya ng kanyang anak.

Hindi yata naisip ni Mr. Agustin na siya ay lalaki, mas matandang ‘di hamak sa kalaro ng kanyang anak at higit sa lahat hindi siya dapat sumusugod sa loob ng football field dahil mayroong mga awtorisadong tao na dapat mamahala at magkontrol roon kung kinakailangan.

Aba’y kung ayaw mong nasasaktan ang anak mo Mr. Agustin ‘e sa ibang sports mo siya pasalihin at palaruin?!

Paano kung wala rin breeding ‘yung magulang ng sinigawan niyang bata?! ‘E ‘di sumugod din doon sa loob ng football field at baka biglang naging ‘boxing ring’ dahil magpapang-abot na sila.

Ang higit nating ipinagtataka bakit hinayaan ng coach na si Reynalyn Ravanes na nagtatatalak si Mr. Agustin habang dinuduro ang batang babae?!

Hindi rin ba naiintindihan ni Ms. Ravanes ang mga regulasyon ng RIFA?!

Kunsabagay, ibang klase rin daw magbigay ng pampalakas ng loob at motivation ang coach na si Ravanes sa team ng ADDU.

Ganito lang naman ang narinig ng mga bata mula kay Ms. Ravanes: “WAG KAYO MAGPAPATALO DYAN! MGA WALANG KWENTA YANG MGA KALABAN NYO!”

Ang tinutukoy niya rito ay ang Poveda kids na kahit mga matitikas na Englesero ‘e nakauunawa ng Tagalog.

Ang tanong ngayon, ano naman ang naging aksiyon ng RIFA sa pambu-bully na ito nina Mr. Agustin at c0ach Ravanes?! 

Sapat na ba ang ‘SORRY’ considering na na-trauma ‘yung batang sinugod at dinuro ni Mr. Agustin?!

Paano ito magiging deterrent sa ibang mga magulang na mas pikon pa sa mga anak nilang naglalaro sa football field?!

Mr. AGUSTIN, kung isinali mo nga sa football ang iyong anak pero hindi mo kayang makita na siya ay nasasaktan, puwede ba paturuan mo na lang maggantsilyo sa bahay ninyo ‘yang anak mo!

Inuulit lang po natin, dahil sa inaasal mong ganyan Mr. Agustin, hindi nade-develop ang sportsmanship at positive social skills sa iyong anak kundi ang pambu-bully.

Sayang ang gastos mo Mr. Agustin. 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *