Aries (March 21 – April 19) Isa pang tao ang nag-iimpluwensya sa iyong kinabukasan nang higit pa sa iyong inaakala. Linawin ito sa kanya.
Taurus (April 20 – May 20) Huwag isama ang iyong personal agenda sa mga bagay ngayon. Walang bahagi rito ang iyong emosyon.
Gemini (May 21 – June 20) Magiging emosyonal at hindi pisikal ang energy surge na iyong mararanasan ngayon.
Cancer (June 21 – July 22) Kumapit nang mahigpit, magiging very bumpy ride ang susunod na mga araw. Sakyan lamang ito.
Leo (July 23 – August 22) Tatanggapin mo ang delivery o announcement na iyong kailangan ngayon, kaya buksan ang pintuan.
Virgo (August 23 – September 22) Kritikal ngayon ang nonverbal communications. Harapin nang face to face ang lahat ng meetings.
Libra (September 23 – October 22) Magiging madali ang mga bagay ngayon. Ang buhay ay pababa ngayon – in a good way.
Scorpio (October 23 – November 21) Sa pagkansela sa ilang gawain, magkakaroon ka ng libreng oras – at ikaw ay makahihinga nang maluwag.
Sagittarius (November 22 – December 21) Sa pagtindi ng iyong enerhiya ngayong umaga, magiging masigla ang pagharap mo sa mga bagay.
Capricorn (December 22 – January 19) Ilabas ang iyong bagong silang na plano mula sa pugad ngayon – panahon na sa pagkilos at pagsulong.
Aquarius (January 20 – February 18) Isang tao ang maglalabas ng bagong ideya ngayon – walang ano-ano’y nagkaroon ka ng bagong obsesyon.
Pisces (February 19 – March 20) Ilayo ang sarili sa magulong sitwasyon ng social obligations. Magpahinga muna.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Lapitan ang bagong mga tao ngayon – at tiyaking taglay nila ang iyong mga kailangan.
ni Lady Dee