Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alias Ramil smuggler na, tax evader pa!

00 rex target logoIsang Tsinoy ang umano’y patuloy sa paghataw at paggawa ng mga iligal na gawain.May punong-tanggapan ito diyan San Miguel, Maynila.

Pag-aari nito ang isang bogus na kumpanya na distributors ng mga high-end gadgets gaya ng laptop, tablets at cellphones mula sa bansang China.

Technical smuggling ang main opisyo ng Tsekawang ito na sangkaterba ang mga police bodyguards.

Bukod sa pagpaparating ng mga epektos mula bansang Tsina, loan shark din ang kumpanyang ito na pangunahing nanggigipit ng mga kababayan nating Pilipino.

Sadyang malawak at malalim ang koneksyon ng Intsik na ito na may alyas na RAMIL at  RICHARD L.

Bukod sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na ipinagmamalaki nitong nasa kanyang ‘payola’ at nine-name drop din nito ang ilang matataas na tauhan ni Bureau of Immigration Commissioner Fred Misongaya nina Sample at D. Alhambra.

Pawang mga Intsik galing mainland China ang karamihan sa mga opisyal at empleyado nitong si alyas RAMIL.

Hindi marunong mag-Ingles o mag-Tagalog ang mga ito patunay na ipinuslit lamang  via backdoor Bukod pala sa technical smuggling, may human smuggling pa ang hinayupak.

Mistulang Godfather itong si alyas RICHARD na siyang nagmamay-ari ng ilang 3-star hotels ngayon dito sa Metro Manila. Sa maikling panahon, nakuha nitong makapundar ng ganito karaming kayamanan.

Tila malayo sa pansin at paningin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ni Commissioner KIM HENAREZ itong mga kumpanya ni alyas RAMIL oRICHARD L.

Totoo kayang kumpadre at kumare ni RAMIL KUPAL alyas RICHARD L.ang ilang matataas na opisyal ni Honorable Kim Henerez?

Hindi lamang mga opisyal ng gobyerno ang paboritong dikitan at sipsipan nitong si RAMIL kundi mga alkalde ng Metro Manila at ibang kongresista at senador.

May girl Friday itong ugok na si RAMIL na umiikot sa mga tanggapan ng pamahalaan at inaalam ang mga aktibidad ng bawat opisyal para iisponsor ang mga social activities ng mga ito.

Ang galing ng modus operandi na talagang well-organized para sa proteksyon ng mga illegal activities ng bugok na si RAMIL.

Sa susunod na pagbanat natin, personal nating aalamin kay PNP OIC,Director General Leonardo Espina kung legal ngang masasabi ang deployment ng mga police bodyguards ng kupal na si RAMIL alyasRICHARD L. mula sa pambansang kapulisan.

  ABANGAN! 

***

Makinig sa DWAD 1098 khz  at www.ustream.tv/channel/TARGETONAIRDWAD1098 Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …