Sunday , December 29 2024

Talamak na droga sa Dasmariñas, Cavite dapat nang tuldukan!

harrel gatuzMUKHANG dapat nang mag-tandem ang mag-asawang Mayora Jenny Barzaga at Representative Elpidio “Pidi” Barzaga para labanan ang lumalalang pagkalat ng illegal na droga sa kanilang bayan, Dasmariñas, Cavite.

Mismong ang 39-anyos na apo na ni Congressman Barzaga kasama ang apat na iba pa ang natimbog ng mga awtoridad habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Dasmariñas, Cavite.

Lima katao, nahulihan ng siyam (9) na sachet ng shabu?!

User lang ba ‘yan? O baka naman sumisistema  at nagtutulak na ang mga ‘yan.

Maraming kapitbahay o kalugar ang natatakot sa inaasal ng apo ni Mayor at Congressman dahil tuwing malalasing o mababangag sa droga, talagang naghahasik umano ng kaguluhan sa kanilang komunidad.

Kumbaga, hindi na binigyan ng kahihiyan ang kanyang lolo at lola na nagkataong punong lungsod at mambabatas sa kanilang lugar.

Sa huling balita, nakapiit na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang apo ng mga Barzaga.

Pero gusto nating linawin kung dito na magwawakas ang proliperasyon ng illegal na droga sa Dasmariñas sa pagkakakulong ng apo ng mga Barzaga.

Ibig sabihin, talamak na talaga ang walang pinipili ang salot na droga.

‘Yan po ang gutso nating sabihin sa inyo.

Kapag ‘nagtrabaho’ ang demonyong sindikato ng ilegal na droga, wala silang pipiliing biktima — lalaki at babae o LGBT; mayaman o mahirap; bata o matanda; may trabaho o wala; politiko o hindi; buo o wasak na pamilya; at baka nga kahit sa loob ng simbahan ay nakapapasok ito?!

Ganyan po kasama ang illegal na droga. Para itong tubig na kayang tumagos kahit saan.

Alam nating mabigat na tungkulin ang pagtataboy sa illegal na droga sa isang komunidad dahil tiyak maraming dugo ang dadanak.

Pero, kung ganyan na mismong ang sariling pamilya na ng mga namumuno sa isang komunidad ang nabibiktima ng droga, hindi pa ba sila kikilos?!

Ano sa palagay ninyo Mayora Jenny and Congressman Pidi?!

Panahon na para paigtingin ninyo ang laban kontra ilegal na droga!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *