Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Special effects ng Liwanag Sa Dilim, pinapurihan

021015 liwanag sa dilim

00 SHOWBIZ ms mTOTOONG makapigil-hininga ang ilang tagpo sa Liwanag Sa Dilim na pinagbibidahan nina Jake Vargas, Bea Binene, Sarah Lahbati, at Igi Boy Flores handog ng APT Entertainment. Kaya naman nagkakatawanan ang mga entertainment press na naimbitahan para mapanood ang press preview nito sa Wilsound Studio ng Sampaguita.

Masasaksihan ang loveteam nina Bea at Jake sa kakaibang konsepto na malayo sa mga pa-sweet nilang ginagawa sa TV show o movies. Kumbaga, isang malaking challenge ito sa pag-level-up ng kanilang career.

Ayon nga kay direk Richard Somes, saktong-sakto si Jake sa kanyang role bilang isang pasaway na teenager na walang pakialam sa responsibilidad. Perfect naman ang description kina Bea at Sarah habang akmang-akma ang role na nerd kay Igi Boy.

“They are also fresh and exciting faces sa screen. This is a coming-of-age movie na matagal ko nang gustong gawin in the tradition of foreign films like ‘Stand By Me’. Gusto kong ihatid na as teenager or young adult, they each have responsibilities sa mundo nilang ginagawalan,” paliwanag ni Direk Richard.

Sa pelikula, dahil sa pagiging liked na adventurer ng mga kabataan, nakatuklas sila ng malaking sikreto. Ginamit nila ang social media sa misteryong iyon pero sila rin ang naging biktima ng kanilang kakulitan.

Nakamamangha naman ang ganda ng tanawing ipinakita sa pelikula gayundin ang ganda ng cinematography. And of course ang pinag-uusapang special effect na talaga namang hahangaan ng manonood. Ito ang isa sa kapuri-puri sa pelikula.

Kaya watch n’yo na ang Liwanag Sa Dilim dahil tiyak na mag-eenjoy kayo.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …