Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Nadurog ang ngipin

021015 dream teeth

00 PanaginipGandang hapon s u Señor,

Nanaginip po ako na nadurog ang ngipin ko. Joey ng Tanay Rizal paki txt na lang po d2 ang kasagutan. (09084095413)

To Joey,

Pasensiya ka na pero lagi kong sinasabi na sa Hataw nyo lang  mababasa ang interpretasyon sa mga tine-text ninyong panaginip. Sa rami nang nagte-text sa akin at sa haba ng sagot ko, baka mapudpod ang daliri ko at maubos ang load ko kung sasagutin ko ito.

Anyway, ang panaginip ukol sa natanggal, naalis, o nasirang ngipin ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Ang ganitong panaginip ay maituturing na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, ito ay nag-iiwan din ng hindi maganda sa iyong alaala. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa agam-agam hinggil sa iyong itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba.

Mayroon din namang scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes na sa word of God. Ang Bibliya ay nagsasabi rin na ang Diyos ay nakikipagtalastasan sa atin sa pamamagitan ng panaginip o vision upang maitago ang pride mula sa atin, upang mailayo ang mga tao sa hukay, upang mabuksan ang ating mga tainga (spiritually), at upang magbigay babala at maitama ng landas ang mga tao.Ang panaginip mo ay maaarin rin namang babala na may kinalaman sa negosyo o pagkakaparehan at hinggil din sa iyong kalusugan.

Maaaring napapabayaan mo ang mga bagay na ito at kailangan ang lubos na pagbibigay mo ng iyong oras o pagtutok dito. Kung nababahala ka naman dahil may mga nagsasabi na ang ganitong panaginip ay ukol sa kamatayan, ang mga matatanda ay may itinuturing na pangontra sa ganitong bungang-tulog. Pagkagising na pagkagising daw matapos managinip na natanggal o nasira ang ngipin mo, dapat ay magdasal at maghanap ka ng anumang punongkahoy, at sa maaabot na sanga nito na maaari mong kagatin, kagatin mo ito nang marahan (na hindi makakasira sa ngipin mo o makakasakit sa iyo). Walang scientific basis siyempre ito, subalit kung para naman sa ikapapanatag ng kalooban mo, wala namang mawawala sa iyo kung gusto mo itong gawin o subukan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …