Tanong na walang kasagutan
hataw tabloid
February 9, 2015
Opinion
MARAMI ang nagtatanong kung sino talaga ang nasa likod ng kilos ng Philippine National Police-Special Action Force nang pasukin nito ang kuta ni Marwan sa teritoryo na ginuguwardiyahan ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
May palagay ako na ito ang isang katanu-ngan na walang kasagutan sapagkat walang kalayaang sumagot ang makasasagot nito. Bukas na lihim kung sino talaga ang nasa likod ng operasyon na ito at malinaw sa mga video footages na nakuha ng mga telebisyon networks matapos pagpapatayin ang ating mga pulis ng MILF at BIFF ang bakas ng puwersang ito.
Ito ang dahilan kaya paligoy-ligoy kundi man naninisi si Pangulong B.S. Aquino sa kanyang mga kasagutan tuwing tatanungin ng media kung sino talaga ang nasa likod ng madugong operasyon. Sa pagkakataong ito ay hindi maaa-ring sisihin nang utusan ang taga-utos.
Kaya tanungin nang tanungin man kung sino ang nagbigay nang go signal para pasukin ng PNP-SAF ang Mamasapano sa Maguindanao ay hangin ang tanging magiging kasagutan. ‘Yan ang kawawang kapalaran ng ating bayan.
* * *
Habang nakatuon ang pansin ng lahat sa ginawang kahayupan sa ating mga pulis ng MILF at BIFF ay eto naman ang People’s Republic of China at pinagpapasasaan ang ating karagatan lalo na sa Panatag Shoal na malapit lamang sa Zambales. Hindi pa nagkasya sa ginagawang pagnanakaw ng ating likas na yamang dagat, nakuha pa nilang itaboy ang ating mga kababa-yan na tradisyonal na nangingisda sa nasabing lugar.
Ang kakapal talaga at sinisibasib ang mga maliliit na tulad natin. Paano na lang kaya kung marating nito ang kasalukuyang poder ng Estados Unidos? Tiyak ko na mas masahol ang mga sukab. Ang masakit nito, ito ang iniidolo ng karamihan sa mga puwersang kaliwete sa ngayon lalo na ‘yung mga bataan ni Jose Ma. Sison.
Lumuha ka aking bayan ang yaman mo ay binuburaot.
* * *
Kabi-kabila ang mga pamamaril na nagaganap sa ngayon sa mga pangunahing lansangan ng bansa at mga dagok ng trahedya na likha ng tao, patunay na malayo na tayo bilang bayan sa Diyos. Napapanahon na suriin natin ang ating mga sarili at pilitin na hanapin muli ang liwanag ng panginoon.
Tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos masusumpungan natin ang katalinuhan na magpapalaya sa atin sa kasalanan at mga epekto nito.
* * *
Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at ma-tibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189