Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di kabawasan ng pagkatao ni Juday ang pag-unfollow sa kanya

ni Ed de Leon

020815 Juday

SA totoo lang, hindi kami close ni Judy Ann Santos, kahit na kaibigan namin ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo. Hindi namin sinusundan ang mga post ni Juday sa kanyang mga social networking account, ang “friend” namin sa social networking account ay ang ermat niyang si Mommy Carol Santos dahil kadalasan nagkakapareho kami ng opinion, at siya ay isang deboto ni Santo Padre Pio ng Pietrelcina.

Natatandaan namin, may pagkakataon pang nabanatan namin si Juday, iyon ay noong gumawa siya ng isang commercial endorsement na nagbibigay katuwiran pa sa maling-maling “power purchase adjustment” na lalong nagpataas ng singil sa koryente natin noong araw.

Pero this time, kakampihan namin at ipaglalaban namin si Juday. Nakatanggap ng pagbatikos si Juday sa ilang users ng mga social networking sites dahil sa kanyang opinyong inilabas kaugnay ng SAF 44 murders. Inilabas lang naman ni Juday ang kanyang damdamin sa nangyaring massacre at sa ipinakikitang nakaiinis na kilos ng ilang opisyal ng ating bansa.

Pero siyempre may mga sipsip pa rin naman at hindi nawawala iyan. Mabilis nilang binanatan si Juday. Pero tama ang sagot ni Juday, karapatan niya bilang isang Filipino ang magpahayag kung ano ang nasa loob niya. Iyan ay isang constitutional right. Kung ayaw nila niyan, isulong na nga nila ang cha-cha at alisin nila ang freedom of speech. Tutal kailangan din nilang isulong iyang cha-cha para maging legal ang kanilang pork barrel at maibigay nila ng malaya sa mga rebelde ang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Pero hanggang nariyan ang constitutional right para magpayahag ng damdamin sa pamamagitan ng salita, hindi nila mapipigil ang isang kagaya ni Juday na magpahayag kung ano ang nararamdaman niya. At saka bakit si Juday lang, eh milyong Filipino ang nagpapahayag ng galit sa nangyaring papamaslang sa 44 na pulis na walang awang pinaslang at pinagnakawan pa.

May nagsasabi pang may “nag-unfollow” daw kay Juday dahil doon. Bakit karangalan ba ni Juday kung “fina-follow” siya ng kung sino man iyon? Kabawasan ba sa kanyang pagkatao ang “pag-unfollow” sa kanya? Magtigil na nga kayo?

SHARON, KAILANGAN NG MATINDING PROJECT PARA MAKABAWI SA CAREER

MUKHANG obvious, hindi man niya sabihin nang diretsahan na ang megastar na siSharon Cuneta ay magbabalik sa ABS-CBN. Sinabi rin naman kasi sa kanya ng ABS-CBN noong magpaalam siya na hindi nila kaya ang napakalaking offer sa kanya, kaya pinapayagan siyang umalis. Pero kung sakali at maisipan niyang bumalik, welcome siya sa lahat ng oras.

Masyado kasing naging identified na si Sharon sa ABS-CBN, at hindi rin maikakaila na ang mga pelikula niya sa Star Cinema ang nagbigay sa kanya ng mga grandslam honors. Doon mas kinilala ang kanyang pagiging isang tunay na aktres.

Sa panahong ito na gusto niyang makabawi sa kanyang career, natural namang piliin niya ng tama ang mga taong makakasama niya. At this time, Sharon can no longer afford another mistake. Dapat tama na lahat ang kanyang diskarte dahil pumapasok siya sa panibagong phase ng kanyang career.

Kailangan niya ang isang malakas na back up. Hindi puwede riyan ang “puro talkies lang”. Ang kailangan ay aksiyon. Kaya palagay namin tama lang naman na magbalik siya sa isang mas matibay na network na palagay na rin naman ang kalooban niya.

Para kay Sharon, iyan ay isa lamang homecoming.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …