Sunday , November 17 2024

Seguridad sa Kalibo Int’l Airport nalulusutan!

Kalibo International AirportNAKAPANGANGAMBA ang mga bagong pangyayari nitong mga nakaraang linggo sa ating mga pangunahing paliparan sa bansa.

Kaugnay ito ng SEGURIDAD. Of all issues naman talaga — SECURITY pa.

Ngayon pa namang naghahanda ang bansa sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Iloilo International Convention Center (IICC) sa taon na ito.

Ang Kalibo International Airport (KIA) ay isa sa mga airport na magiging abala dahil may bahagi sa programa ng APEC Summit na idaraos sa Boracay Island.

At nakanenerbiyos talagang isipin na mayroong nakapupuslit na pasahero mula sa KIA nang walang kaukulang dokumento pero nakarating pa sa Korean airport.

What the fact!?

Inihayag ng Philippine Airlines (PAL) na nagsasagawa na sila ng internal investigation kaugnay ng insidente.

Habang pinagpapaliwanag na umano ni Kalibo Governor Florencio Miraflores ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung bakit nakalusot  ang sinasabing ‘mentally-ill woman’ na sumakay sa PAL flight at nakarating sa Incheon, Korean nang walang kaukulang dokumento.

Ikalawang insidente umano ito na ang nauna ay isa rin umanong babaeng may sayad (excuse me po) na nakarating hanggang rampa pero napigil ni Percy Malonesio, CAAP Western Visayas manager.

E paano kung terorista pala ‘yung babaeng nakarating sa Incheon, Korea sakay ng Philippine flight at nagtagumpay na isakatuparan ang kanyang misyon doon? Patay ang Philippines my Philippines. Tiyak awtomatikong kanselado ang APEC sa Pinas.

Sonabagan talaga!!!

Hindi ba’t kailan lang din ‘e nagkaroon ng order ang Manila International Airport Authority (MIAA) na ang mga Immigration personnel sa lahat ng Airport sa bansa ay limitado na ang lugar na katatalagahan. Hanggang red zone na lang umano sila at hindi na pwedeng umabot hanggang boarding zone.

Ang tanong, paano mado-double check ng Immigration personnel ang mga pasahero?!

Gaya nga niyang nangyari sa KIA?!

Sino ang dapat managot sa insidenteng ito?!

Pakisagot na nga po!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *