Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina at Denise, nakare-relate sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita

ni Pilar Mateo

020615 Vina Morales Denise Laurel

THE once single girls…now moms!

Aminado ang Kapamilya actresses na sina Vina Morales at Denise Laurel na nakare-relate sila sa mga karakter nila pagdating sa pag-ibig sa afternoon drama series sa ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Nakaka-relate talaga ako sa buhay ni Cecilia kasi parehas kami na tumatayong matatag bilang isang single mom para sa anak namin. Tulad niya, naging mas matibay din ako bilang isang tao, lalo na bilang isang ina, nang dahil sa mga karanasan ko sa pag-ibig,” sabi ni Vina kaugnay ng kanyang karakter sa isa sa pinakabagong teleserye sa Kapamilya Gold.

Para kay Denise, pareho sila ng kanyang ginagampanang si Toni pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal. Aniya, “Para sa akin nagkakaparehas kami ni Toni kung paano umibig, parehas kami na handang isakripisyo at gawin ang lahat para sa mga taong mahal namin.”

Tiyak na mas magiging kaabang-abang para sa TV viewers ang kuwento ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa nalalapit na paglabas ngayong linggo ng mga karakter nina Jane Oineza, Jerome Ponce, Joshua Garcia, at Loisa Andalio bilang sina Corinne, Ryan, Joel, at Bea kaya huwag palampasin ang pinakabagong teleserye na sasalamin sa iba’t ibang klase ng pag-ibig, na matutunghayan araw-araw, tuwing 3:15 ng hapon sa Kapamilya Gold.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …