Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sagot ni Kris sa mga detractor, idinaan sa statement shirt!

ni Alex Brosas

020615 kris aquino

IBA talaga itong si Kris Aquino.

Aware kasi siya sa batikos ng detractors sa kuya niyang si President Noynoy Aquino kaya naman very subtle ang kanyang atake sa mga imbiyerna sa kanila.

Nang umapir si Kris sa kanyang evening show last Monday ay talagang siniguro niyang mayroong makikita ang televiewers niya.

Sa suot niyang blouse ay may nakasulat na mensahe, “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”

Ito marahil ang kanyang sagot sa detractors nila ni PNoy.

Ang daming nagalit kay Kris nang i-unfollow niya sina Regine Velasquez and Ogie Alcasid sa social media dahil sa mensahe nito about PNoy. Hindi yata niya na-realize na ang laki ng utang na loob nila sa mag-asawa nang ikampanya nila si PNoy ng libre noong huling elections. Kahit na nag-sorry na si Kris ay hindi niya maawat ang netizens sa pagbatikos sa kanya.

“Kung hindi ka ba naman TA NGA at EPAL, Kris, sana tumahimik ka na lang at nagpost ng sentiments na nakikiisa ka sa pagdadalamhati ng mga nasawing sundalo dahil sa ka tangahan ng kuya mong abnormal. Sabi mo matalino ka? Asan ang talino mo ngayon? May PhD ka sa plastikan diba? Alam na alam ni Aiai, Kim Chiu at Juday yan. Gaano ba kahirap magpost ng, “our sympathies and prayers go to the victims and their bereaved families”…instead of posting stupid selfies. Napahiya ka when someone pointed out na insensitive ka, because TRUTH HURTS. Pumunta ka sa lamay not because you felt for the orphaned children and widows but to score political points. Ni hindi mo nakuhang mag post about it afterwards, hindi kailangan selfie noh!, dahil wala ka naman talagang naramdaman na awa for those poor humble families. Dahil ang puso mo doon lang sa puedeng mong pagkakitaan ng pera at magamit for your family’s personal glory! Naman Kris, mag sorry kayo sa buong pilipinas. Hindi ka cut above the rest. You are no better than the poor prosti walking along makati avenue. Tao ka lang, sana gamitin ninyo ang position ninyo para makatulong sa sinasakupan ninyo! Ang hambog mo Day!” komento ng isang guy (wala po kaming binago) na imbiyerna sa kanya.

Buti nga sa ‘yo, Kris.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …