Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pan-Buhay: Maligaya at makabuluhang buhay (4)

00 pan-buhay“Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip, at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.” Efeso 4: 22-24

Noong mga nakaraang artikulo ay tinalakay natin ang walo ( 1) Huwag magtsismis; 2) Ubusin ang pagkain; 3) Magbigay ng panahon sa kapwa; 4) Piliin ang isang mapagpakumbabang pamumuhay; 5) Makisalamuha sa mga mahihirap; 6) Tigilan angpaghusga sa kapwa; 7) Kaibiganin ang mga di sumasangayon sa iyong mga pananaw; 8) Gumawa ng pangmatagalang pagtatalaga sa sarili katulad halimbawa ng pagpapakasal ) sa sampung mga praktikal at simpleng bagay na ayon sa ating mahal na Santo Papa na si Pope Francis ay makapagdudulot ng isang maligaya at makabuluhang buhay. Narito ang pangsiyam at pangsampu:

9) Gawing ugali ang “magtanong sa Diyos”. May payo si Pope Francis sa ating lahat lalo na sa mga kabataang hindi pa alam ang gagawin sa kanilang buhay. Ayon sa kanya, tanungin natin ang Panginoon at ituturo niya sa atin ang daan. Kailangan lang nating makinig at ibukas ang ating kamalayan sa mga ipahihiwatig niya. Sa bawat sitwasyong ating haharapin, ugaliin nating itanong, “Ano ba ang nais mong gawin ko? Ano ang landas na nais mong tahakin ko?”

10) Maging masayahin. Ang pagiging masayahin ay katangian ng isang mananampalataya, ng isang naglalakbay patungo sa Panginoon. Huwag nating hayaan na nakawin ng mga pagsubok o hirap sa buhay ang ligayang ipinagkakaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pananahan niya sa ating mga puso. Ito ang tutulong sa atin para malagpasan ang anumang hamong ating haharapin sa ating buhay.

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

ni Divina Lumina

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …