ni Alex Brosas
MARAMI yatang hindi nagkagusto sa naging desisyon ni Lea Salonga na piliin si Timmy Pavino over Casper Blancaflor.
Napanood namin ang performance ng dalawa sa The Voice of the Philippines at deserve na deserve naman ni Timmy na magpatuloy sa nasabing pakontes. Ang ganda ng version niya ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan, punumpuno siya ng emosyon. Add to this ay ang guwapo pa niya, ang linis-linis tingnan sa small screen.
“Whatever the decision, I would’ve received a lot of flack. Used my gut to choose based on both live and TV performances. Both were great. Please respect my decision. Thank you,” sabi ni Lea.
Sa mga hindi nagkagusto sa desisyon niya, ito ang pananaray ni Lea, “If you didn’t vote, you lose your right to complain. If you want your bet to get through, you have to cast your votes. #TheVoiceABSCBN.”