Saturday , December 28 2024

Mag-ingat laban sa mga asuwang ng Parañaque Traffic Management Office (PTMO) ni Yorme Olivarez!

PTMOISANG Bulabog boy po natin ang nagbahagi ng kanyang hindi magandang karanasan sa ‘RAKET’ ng mga kagawad ng Parañaque Traffic Management Office (PTMO) nitong nakaraang gabi lang.

Kaya ipinauuna ko na po sa inyo, mag-ingat ho kayo sa mga ‘ASUWANG’ na kagawad ng PTMO dahil baka mabiktima kayo lalo na riyan sa kanto ng Airport Road at Quirino Tambo.

Ganito raw po ang nangyari.

Pagdating ng Bulabog boy sa nasabing kanto naka-STOP LIGHT (RED). Naturalmente, hihinto siya.

E mayroong isang nagta-traffic sa gitna ng kalsada at pinaabante na siya dahil wala naman sasakyan na sa kabilang lane. ‘E ‘di umabante naman siya, paggulong na paggulong ng kanyang gulong pagkatawid sa Quirino Tambo, biglang may lumundag at humarang na dalawang lalaki sa harap niya mula sa dilim.

Para bang mga asuwang sa pelikula na bigla na lamang nagsulputan!

Nabulaga ‘yung Bulabog boy natin kaya napahinto siya. ‘Yun na, sinisita siya kung bakit umano siya umabante (beating the red light). At itinatanggi pa ng tarantado na kasama nila ‘yung traffic enforcer sa kanto. Wala raw silang kaugnayan doon.

Kinuha ang kanyang lisensiya at nang maramdaman no’ng dalawang asuwang na traffic enforcer ni Mayor Edwin Olivarez na hindi aareglo ‘yung Bulabog boy, e tinuluyan at nilargahan ng tiket.

Sabi nga no’ng Bulabog boy, ano bali?!

Ayon sa ating pagtatanong-tanong, marami nang nabibiktima ang nasabing mga asuwang sa nasabing area lalo na ‘yung PTMO enforcer PAMINTUAN.

Matagal pa umanong makipagnegosasyon si Pamintuan kasi nga raw, ang gusto ay umareglo ‘yung sinisitang motorista.

SONABAGAN!!!

Parañaque Traffic Management Office (PTMO)  chief, TEODORICO BARADO este BARANDINO, ‘yan ba ang turo mo sa mga tauhan mo na magtago sa dilim na parang asuwang!?

Bakit hindi sila nakalantad at mag-traffic sa gitna ng intersection ng Tambo at Airport Road!?

Bakit, may ipinahahabol este hinahabol ba silang quota?

Mayor Edwin ‘political dynasty’ Olivarez, magrekorida ka naman sa gabi, para malaman mo kung ano ang ginagawa ng mga ‘ASUWANG’ mo sa GABI!

O baka naman nariyan ka lang lagi sa loob ng malamig mong opisina?!

‘Di kaya?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *