Sa panghoholdap na humaba ang ‘sungay’ ni Junior Tutok. Sa kalye, mistula siyang isang buwitre na naghahanap ng masisilang biktima. Target niya ang lahat ng may mamahaling gamit at alahas, lalo na ang may dala-dalang cash. Solo flight siya kung lumakad. At wala siyang pinipiling oras. Kaya niyang manutok sa gabi man o sa katanghaliang-tapat. Maraming-marami na siyang nabiktima, estudyante, empleyado, ordinaryong sibilyan at kung sino-sino pa. Pero kadalasan ay puro taxi driver ang inaagawan niya ng salaping kinita sa maghapong pamama-sada. Ang salaping pinagpawisan ng ibang tao ay nauuwi lang naman sa kanyang mga bisyo – alak, babae at sugal.
Nang gabing iyon ay pauwi na si Estoy. Pagkakain ng hapunan sa isang turo-turong karinderya sa gilid ng kalsada ng Letre-Malabon ay saglit munang namahinga. Malayo ang lipad ng isip niya habang hitit-buga sa usok ng siga-rilyo. Makulimlim ang mukha. At upang mapaluwag ang naninikip na dibdib ay makailang ulit napabuntong-hinga.
Kaninang umaga kasi ay nauwi sa away ang mainitang paki-kipagtalo ni Estoy sa asawang reyna ng mga bungangera. Lagi kasing kapos ang kita niya para sa pamilya sa dami ng mga gastusin at pa-ngangailangan sa buhay. Pero ang higit na mabigat na dalahin ng pobreng taxi driver ang kumakalat na tsismis na ‘may lalaki’ ang misis niya. Sa bulgar na salita, pinipindeho siya ng taksil na asawa. Siya mismo ang naka-takdang holdapin ni Junior Tutok!
(Itutuloy)
ni REY ATALIA