Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liwanag sa Dilim, malaking break sa loveteam nina Jake at Bea

ni Rommel Placente

012915 Jake vargas Bea Binene

ISANG malaking break ang dumating sa loveteam nina Jake Vargas at Bea Binene dahil sila ang napili ng APT Entertainment, Inc. na magbida sa pelikulang Liwanag sa Dilim. Mula itosa direksiyon ni Richard Somes.

Gumaganap sina Jake at Bea bilang teen-agers na nakatuklas sa lihim ng isang mahiwagang babae (na ginampanan ni Sarah Lahbati) na naninirahan sa bundok. Dahil sa ginawang pagbi-video ni Jake ng sikreto ng mahiwagang babae at na-upload ito sa social media, naghiganti ang babae sa kanila at doon na nagsimula ang kakaiba nilang adventure.

“Isang kakaibang ecperience na naman po ito para sa akin. Malaking pasabog talaga itong‘Liwanag sa Dilim’ para sa aming fans dahil hindi ito ‘yung usual na napanood na nila sa amin,” sabi ni Jake.

“Makapigil-hininga ‘yung mga eksena lalo na ‘yung papatapos na ang pelikula.Nakakapanibago pero fulfilling ‘yung dating sa akin. Hindi lang kasi ito pa-cute. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko ‘yung matitinding eksenang ‘yun,” anang binata.

Samantala, nilinaw ni Jake ang balitang break na sila ni Bea. Ayon sa kanya, sila pa rin ni Bea although may tampuhan daw sila ngayon.

“Siyempre may relasyon kayo, kaya natural na may mga tampuhan, ganyan, ganyan. Ganito po kami, on and off kami.. Pero okey kami.”

‘Yung okey na ‘yun, may communication pa rin kayo?

“Nakaka-text ko siya,” matipid na sagot ni Jake.

Ano ba ang kadalasang pinagkakatampuhan nila ni Bea?

“Mababaw lang naman. Pero kami kasi, parehong mataas ang pride eh, kaya kaunting ano lang, parang ang laki-laki na sa amin.”

Kapag may tampuhan sila ni Bea, si Jake ang laging unang gumagawa ng paraan para magkaayos sila ng girlfriend.

“Siyempre lalaki naman dapat ang laging nauuna, kailangan ganoon.”

Sa tingin ni Jake ay maaayos din ang tampuhang namamagitan sa kanila ngayon ni Bea.

“Maayos at maaayos din naman po. Sa bandang huli maaayos din, dahan-dahan lang.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …